Regine, binantayan si Dennis
February 20, 2007 | 12:00am
Mali ang akala ni Gerald Santos na sapat na ang maging champion siya ng singing contest. Pero dahil sa mga nagsusulputang magagaling ding singer, mas lalo pa siyang na-challenge ngayon.
"Mas pukpukan pala ang labanan ngayon kesa nung Pinoy Pop Superstar, ang dami kasing magagaling. At mas mahigpit ang competition kaya dob leng pagsisikap ang ginagawa ko ngayon," sabi nito.
Malaki nga ang ipinagbago ni Gerald compared dati na mahiyain ito. Ngayon, mas friendly na at mas malakas na raw ang loob na humarap sa mga tao.
"Lagi nga akong nagpi-pray na maging matatag ang loob ko. Ready na rin ako sa anumang challenges sa buhay, kaya ko nang makipagsabayan sa kanila ngayon," paliwanag ni Gerald na isa na rin sa performer ng SOP tuwing Linggo.
Naririnig na sa radyo ang carrier single ni Dennis Trillo na "All Out of Love" na mismong si Regine Velasquez ang literal na nagbantay habang niri-record nito ang buong album.
Sa tono ng pagkukuwento ni Regine, mukhang pasado at satisfied siya sa kinalabasan ng self titled album ni Dennis.
"It’s a joy to work with him. Walang kahirap-hirap, ang sarap niyang katrabaho," comment ni Regine.
Si Regine ang talagang tumutok at nagbabad habang ginagawa ni Dennis ang album. Mula sa selections of songs, cover ng album at kahit kaliit-liitang detalye regarding sa album ng actor-singer ay sinupervise ng Songbird. Habang nag-contribute lang ng kanta si Ogie Alcasid na partner ni Regine sa kanilang IndiMusic.
Tinitiyak ni Regine na walang itatapong kanta sa 12 cuts album ni Dennis na pop rock na ibinagay sa imahe ng aktor. Kaya ngayon palang ay excited na si Regine sa kinalabasan ng album na mayro’n silang duet na "Magtatagpo Muli."
Siguro nga pagkatapos na tawaging Asia’s Pop Idol si Christian Bautista ay hinog na siya para mag-concert sa Big Dome sa April 28. Sabagay hindi lang ang latest niyang album na "Just A Love Song" ang nag-platinum. Maging ang kanyang 1st self titled album at ang 2nd album nito na "Completely" sa Warner Music Phils. ay bumenta rin ng husto. Hindi lang dito sa atin kundi maging sa Indonesia, Singapore, Thailand at Malaysia.
Ganunpaman, masarap pa ring ulit-uliting pakinggan ang tracks sa kanyang album na mga all time favorite love songs tulad ng "Only Reminds Me of You," "Beautiful in My Eyes," "Make It with You," "Got to Believe in Magic," at marami pang iba.
"Mas pukpukan pala ang labanan ngayon kesa nung Pinoy Pop Superstar, ang dami kasing magagaling. At mas mahigpit ang competition kaya dob leng pagsisikap ang ginagawa ko ngayon," sabi nito.
Malaki nga ang ipinagbago ni Gerald compared dati na mahiyain ito. Ngayon, mas friendly na at mas malakas na raw ang loob na humarap sa mga tao.
"Lagi nga akong nagpi-pray na maging matatag ang loob ko. Ready na rin ako sa anumang challenges sa buhay, kaya ko nang makipagsabayan sa kanila ngayon," paliwanag ni Gerald na isa na rin sa performer ng SOP tuwing Linggo.
Sa tono ng pagkukuwento ni Regine, mukhang pasado at satisfied siya sa kinalabasan ng self titled album ni Dennis.
"It’s a joy to work with him. Walang kahirap-hirap, ang sarap niyang katrabaho," comment ni Regine.
Si Regine ang talagang tumutok at nagbabad habang ginagawa ni Dennis ang album. Mula sa selections of songs, cover ng album at kahit kaliit-liitang detalye regarding sa album ng actor-singer ay sinupervise ng Songbird. Habang nag-contribute lang ng kanta si Ogie Alcasid na partner ni Regine sa kanilang IndiMusic.
Tinitiyak ni Regine na walang itatapong kanta sa 12 cuts album ni Dennis na pop rock na ibinagay sa imahe ng aktor. Kaya ngayon palang ay excited na si Regine sa kinalabasan ng album na mayro’n silang duet na "Magtatagpo Muli."
Ganunpaman, masarap pa ring ulit-uliting pakinggan ang tracks sa kanyang album na mga all time favorite love songs tulad ng "Only Reminds Me of You," "Beautiful in My Eyes," "Make It with You," "Got to Believe in Magic," at marami pang iba.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended