I’m sure na-realize ni Edu, marami namang way kung gusto mong magsilbi sa bayan (ang gasgas na alibi ng maraming pulitiko).
He made the right decision. Hindi siya gagastos, hindi masyadong mapapagod sa kampanya at higit sa lahat, hindi siya mawawalan ng kita sa kanyang pagiging product endorser and as an actor and TV host.
Tama na nga naman ‘yung chairman siya ng Optical Media Board na hindi man niya masyadong isinisigaw na nagtatrabaho siya, nakikita naman ang output ng kanyang trabaho.
Like may nabasa ako na ni-raid pala ng grupo ng OMB ang bagong mall na pag-aari nina Cogie Domingo.
Kakabukas lang ng nasabing mall pero grabe raw ang dami ng binibentang pirated audio and video products kaya hindi pinaligtas ng grupo ni Edu ang nasabing mall.
Sayang naman  bago pa lang ang mall na ‘yun. Dapat hindi pinapayagan nila Cogie ang ganun lalo na nga at artista rin siya. At ang nakaka-sad daw, 80% ng mga pirated DVDs na na-raid ay Tagalog films.
Hay ano ba ‘to?
Totoong mahirap nang ma-regulate ang piracy sa bansa pero sana, ma-monitor ng in-charge sa mall nila Cogie kasi ang actor at ang lawyer na father niya ang naka-front at siguradong sa kanila babagsak ang negative reactions.
Most probably, hindi alam ni Cogie ang ganito.
Hindi lang daw ito naka-ready ngayon kaya hindi napilit na kumandidato sa pagka-senador.