Naalala naming nagpahayag si Sarah na ayaw na niyang gawin ang remake ng Dear Heart, ang first movie ni Sharon bilang respeto sa pagtutol ng megastar na i-remake ang nabanggit na pelikula. Pero, mukhang wala siyang kawala’t sa kanya ibinigay ng Ch. 2 ang ginampanang role ni Sharon sa pelikulang pinagsamahan nila nina Dina Bonnevie at Cherie Gil.
Sa TV remake ng SWNW, si Sarah si Sharon, si Yeng Constantino si Dina Bonnevie at si Rica Peralejo si Cherie Gil. Istorya ito ng tatlong magkakaibigang nasira ang relasyon nang sumikat ang isa sa kanila. Unang attempt in acting ito ni Yeng at tiyak aabangan ng kanyang fans.
Released ng Music World Music, Columbia Records at Sony BMG, ang album ay ‘di ninyo bibitawan pakinggan mula sa opening track na "Move" hanggang sa finale na Dreamgirls. Solo ni Jennifer ang "And I Am Telling You I’m Not Going," "One Night Only," "I Am Changing" at "Love You I Do." May disco version si Beyonce ng "One Night Only" at makabagbag damdaming "Listen." May solo song din si Eddie Murphy na magaling din palang singer.
Ang soundtrack ay available sa standard CDs and limited edition deluxe 2-CD editions with 2 CDs, bonus tracks and 36 page booklet.
Medyo payat si Gabby nang makita namin at paghahanda ‘yun sa pictorial ng coffee table book ng mga Eigenmann to be called EigennMen. Hindi raw siya magpapatalo sa mga pinsang sina Geoff, AJ at kapatid na si Sid Lucero. Si Victor Consunji ang kanilang photographer.
Suportado ni Robin ang kandidatura ni Richard sa senado pati ang pakikipaglaban nito sa droga. Maganda ang nakaisip ng concept ng TV ad dahil kung sino pa ang taga-showbis, siya pa ang ‘di sumayaw, kumanta at umarte.
Hihintayin namin ang TV ad ni Cesar Montano, isa pa sa mga artistang sasabak sa senado. Ang laking tipid nito sa kandidatura ng actor dahil siya na rin ang scriptwriter, cameraman at director nito. Ginagawa niya ito sa kanyang mga pelikula at ‘di siya mahihirapan.