‘Wala akong magagawa kung kinalimutan ni Piolo ang ‘That’s’
February 19, 2007 | 12:00am
Ang saya ng isang linggong paglalakbay ko sa Hollywood.
First time kong maranasang sumakay ng yacht dahil inimbitahan akong magninong at sa yacht dinaos ang kasalan. Kasama kong tumayong mga ninang sina Amalia Fuentes, Gloria Diaz at abay naman si Jestoni Alarcon. Si Martin Nievera naman ang kumanta sa wedding ceremony.
Talagang na-enjoy namin ang pagkakataong ‘yun. Alas-onse pa lang ng tanghali ay nandun na kami sa yate at natapos ang affair ng alas-otso ng gabi. Hindi naman kami puwedeng tumakas dahil nasa gitna kami ng laot na ang guests ay umabot ng 300.
Nagpaiwan naman si Martin dun dahil may shows pa raw siya kaya hindi na siya sumabay sa amin pauwi nang gabing yun.
Hindi ko na babanggitin ang pangalan ng mga ikinasal dahil hindi naman sila showbiz. Maliban sa anak nitong si Mia Nolasco na minanage noon ni Annabelle Rama ang career.
Sumunod na pinuntahan ko ang Kodak Theater na first time ko ring makita at mahawakan ang mga trophies para sa Oscars. Naluluha pa ako habang hawak ko ang isang trophy habang kinukunan ako ni John Nite ng picture dahil inggit na inggit ako sa pagpapahalaga nila sa kanilang movie industry. Hindi ko maiaalis ang hindi ikumpara ang Oscars sa ating industriya dahil talagang kitang-kita mo ang kanilang paghahanda. Sino ba naman ang hindi maiinggit na makita ang mga nagkikintabang trophies na nakalaan para sa kanilang best actor, best supporting at iba pang awards?
At nakakatuwang binibigyan nila ng pagkakataon ang publiko na masilayan ito at mahawakan. Siyempre, kumuha rin ako ng poster ng Oscars para sa aking collections.
Sa isang banda, nakakalungkot isipin na kulang na kulang tayo sa suporta ng mga kapwa natin artista pagdating sa ating mga awards. Sana naman kung hindi natin maabot ang ginagawa sa Hollywood kahit man lang sana sa pagkakaisa ay magkaroon ang ating industriya.
Pagdating ko, katakut-takot na intriga ang inihahabol na tanong sa akin. Kesyo ano raw ang reaksyon ko tungkol sa hindi pagkilala ni Piolo Pascual sa That’s Entertainment.
Eh ano naman ang magagawa ko kung ayaw niyang aminin kung saan siya galing? Ganun siguro dahil sikat na siya ngayon. Nung araw naman eh napakamahiyain niya. Pinakakanta mo pero ayaw naman niya. Gusto lang daw niyang maging miyembro ng That’s noon. Pero siyempre gusto ko pa rin mismong marinig sa kanyang bibig ang hindi niya pagkilala sa That’s.
Minsan, naaalala ko umattend din naman si Piolo sa isang reunion ng That’s at na-interview ko pa nga siya.
Huwag na nating palakihin pa ang isyu. Na kay Piolo na ang desisyon kung ano ang gusto niyang mangyari. Pero siguro naman kahit konti ay may pagpapahalaga pa rin ito sa pinanggalingan niyang show.
Hindi mo malaman kung sino kina Ara Mina at Polo Ravales ang nanghingi ng cool off. Pareho nilang sinasabi na pareho silang busy sa kani-kanilang career kaya kailangan nilang gawin ‘yun.
Ganun ba yun, komo’t busy sila ma wawala na rin ang kanilang pagmamahal? Ang tunay na pag-ibig dapat ay may malawak na pang-unawa dahil hindi naman nila puwedeng pabayaan ang kanilang mga hanapbuhay.
First time kong maranasang sumakay ng yacht dahil inimbitahan akong magninong at sa yacht dinaos ang kasalan. Kasama kong tumayong mga ninang sina Amalia Fuentes, Gloria Diaz at abay naman si Jestoni Alarcon. Si Martin Nievera naman ang kumanta sa wedding ceremony.
Talagang na-enjoy namin ang pagkakataong ‘yun. Alas-onse pa lang ng tanghali ay nandun na kami sa yate at natapos ang affair ng alas-otso ng gabi. Hindi naman kami puwedeng tumakas dahil nasa gitna kami ng laot na ang guests ay umabot ng 300.
Nagpaiwan naman si Martin dun dahil may shows pa raw siya kaya hindi na siya sumabay sa amin pauwi nang gabing yun.
Hindi ko na babanggitin ang pangalan ng mga ikinasal dahil hindi naman sila showbiz. Maliban sa anak nitong si Mia Nolasco na minanage noon ni Annabelle Rama ang career.
Sumunod na pinuntahan ko ang Kodak Theater na first time ko ring makita at mahawakan ang mga trophies para sa Oscars. Naluluha pa ako habang hawak ko ang isang trophy habang kinukunan ako ni John Nite ng picture dahil inggit na inggit ako sa pagpapahalaga nila sa kanilang movie industry. Hindi ko maiaalis ang hindi ikumpara ang Oscars sa ating industriya dahil talagang kitang-kita mo ang kanilang paghahanda. Sino ba naman ang hindi maiinggit na makita ang mga nagkikintabang trophies na nakalaan para sa kanilang best actor, best supporting at iba pang awards?
At nakakatuwang binibigyan nila ng pagkakataon ang publiko na masilayan ito at mahawakan. Siyempre, kumuha rin ako ng poster ng Oscars para sa aking collections.
Sa isang banda, nakakalungkot isipin na kulang na kulang tayo sa suporta ng mga kapwa natin artista pagdating sa ating mga awards. Sana naman kung hindi natin maabot ang ginagawa sa Hollywood kahit man lang sana sa pagkakaisa ay magkaroon ang ating industriya.
Eh ano naman ang magagawa ko kung ayaw niyang aminin kung saan siya galing? Ganun siguro dahil sikat na siya ngayon. Nung araw naman eh napakamahiyain niya. Pinakakanta mo pero ayaw naman niya. Gusto lang daw niyang maging miyembro ng That’s noon. Pero siyempre gusto ko pa rin mismong marinig sa kanyang bibig ang hindi niya pagkilala sa That’s.
Minsan, naaalala ko umattend din naman si Piolo sa isang reunion ng That’s at na-interview ko pa nga siya.
Huwag na nating palakihin pa ang isyu. Na kay Piolo na ang desisyon kung ano ang gusto niyang mangyari. Pero siguro naman kahit konti ay may pagpapahalaga pa rin ito sa pinanggalingan niyang show.
Ganun ba yun, komo’t busy sila ma wawala na rin ang kanilang pagmamahal? Ang tunay na pag-ibig dapat ay may malawak na pang-unawa dahil hindi naman nila puwedeng pabayaan ang kanilang mga hanapbuhay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended