Vina, di na itinatago ang bf

Isang white Pomeranian puppy ang regalo ng non-showbiz boyfriend ni Vina Morales sa kanya nung Valentine’s Day at pinangalanang Arf Arf.

Mahilig sa aso ang singer/actress/tv host kaya ito ang naisip ni Cedric Lee (name ng bf ni Vina) na ibigay sa kanya dahil siguradong maaalagaan ng mahusay.

Personal na naming nakitang inalagaan ni Vina si Bugsy, isang pug at naloka kami dahil binilhan pa niya ito ng stroller with matching unan at feeding bottle.

At dahil may bago na silang ‘anak’ ni Cedric ay tiyak na happy dog na si Bugsy.

Anyway, open nang banggitin ng aktres ang pangalan ng boyfriend niya dahil katwiran niya ay malalaman din naman ito.

"Bakit ko pa itatago, e, everybody knows na naman at saka may usapan na naman sila ng family niya at matagal na silang hiwalay, so ano pa ba ang dapat naming itago sa publiko?" ito ang paliwanag sa amin ni Showgirl.

Ang hindi lang open pa ay ipakilala si Cedric sa reporters dahil, "He, he, he, wala pa akong lakas ng loob no’n, but if ever na makunan kami sa ibang lugar, okey lang, pero ‘yung para dalhin ko siya sa lugar na may reporters like presscons, hindi yata mangyayari ‘yun kasi hindi naman siya taga-showbiz," pangangatwiran sa amin.

Samantala, tiyak na nasa 3rd hanggang 5th row raw uupo si Cedric sa upcoming concert ni Vina na, Showgirl, the Repeat sa Araneta Coliseum this coming February 24 with guests Aiai de las Alas, Ogie Alcasid, Shaina Magdayao at Mark Herras with G Force Dancers.
* * *
And speaking of Shaina Magdayao ay hindi rin naman nagpahuli ang younger sister ni Vina last Valentine’s Day dahil isang dosenang red roses at malaking stuffed toy naman ang bigay sa kanya ng loveteam niyang si Rayver Cruz.

Pauwi na ang bunsong Magdayao after ng guesting nila ni Rayver sa Homeboy last Wednesday at pagdating ng sasakyan ay nakita niya ang bigay ng young actor na ikinagulat niya.

"E, kasi dedma si Rayver nung Valentine’s Day, binati lang niya, ‘yun lang, kaya si Shaina nagulat kasi paborito niyang kulay ng roses at stuffed toy ‘yung ibinigay sa kanya. Nag-thank you naman siya," tsika sa amin ng nakakita sa regalo. – Reggee Bonoan

Show comments