Noon ding maging guest sila sa Walang Tulugan ni Kuya Germs, nagbiro ang master showman na tatay siya ni Juday at kailangang magbalik silang dalawa sa show para hingin sa kanya ni Ryan ang kamay ni Juday kung magpapakasal na sila. Mabilis namang sumagot ng oo si Ryan, na talagang mukhang desidido sa kanyang sinasabing pagdating ng araw ay magpapakasal na silang dalawa.
Hindi naman sa kani-kanino, pero sa lahat ng mga sinasabing nanligaw kay Juday, mukhang yan lang si Ryan ang talagang seryoso. Yong mga ibang sinasabing nanligaw kay Juday, alam na alam mong ginagamit lamang ang kanyang popularidad. Talagang ang habol lamang ay maka-love team siya para umangat ang kanilang career.
Talagang ang tingin nila kay Juday, tuntungan lamang.
Kaya tingnan naman ninyo kung ano ang nangyari sa mga yon, may mga career pa ba matapos na mahiwalay kay Juday?
Ngayon napahiya rin iyong mga umi-small noon kay Ryan dahil nang magtambal silang dalawa ni Juday sa pelikula, naging malaking hit iyon, at kung susumahin ang kabuuang kinita, mas malaki ang kinita noon kaysa sa sinasabing top grosser at best picture sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Kinagat ng tao ang kanilang loveteam dahil nakikita nila na hindi lamang palabas iyon kundi sincere si Ryan sa kanyang panliligaw kay Juday. Eh iyon naman ang gusto talaga ng mga fans, hindi ba Tito Alfie?
Pagkatapos noong Walk of Fame, lahat noong iba pang tribute eh lusaw na. Ang dapat isipin niyang Film Academy ay kung papaano makakabangon ang industriya, hindi yang ganyang pagbibigay ng award. Dapat mag-isip sila kung pa_<paano makakabangon ang industriya, bago sila maging akademya ng isang indusBtriyang patay na.