Leo Martinez nakaka-turn off

Marami nang turn off sa ginagawa ni Film Academy for the Philippines chairman Leo Martinez. Lately kasi, ang daming negative things na sinasabi si Mr. Martinez tungkol sa mga kasamahan niya sa industry.

Before, tinawag niyang onlookers ang OMB headed by Edu Manzano. No’ng minsan naman, ang mga kandidatong artista ang binabanatan niya dahil bakit daw kailangang sumabak sa pulitika ang mga ito samantalang marami namang problema ang industriya na puwede nilang unahin or something to that effect na sinabi niya on national television.

Particular na binanatan niya si Richard Gomez.

Ayan tuloy, marami nang imbyerna sa kanya sa showbiz. Sabi ng isang veteran writer, bakit parang ang dami ng sama ng loob ni Mr. Martinez sa ibang artista. "Bakit hindi niya asikasuhin ang Film Academy of the Philippines," say ng showbiz insider na napapansin na ang pagiging nega ni Mr. Martinez sa kapwa niya artista.

Well, kung anuman ang dahilan ni Mr. Martinez sa kanyang mga negative comments sa mga artista, siya lang ang nakakaalam.

Kaya lang dapat niya sigurong kausapin ang maraming artistang members ng FAP na nagpa-patronize ng piracy na instead na tumulong na kahit paano ay mabawasan ang mga pirata sa ating bansa.
* * *
Naka-three term na pala si Dennis Padilla as councilor ng Caloocan. Meaning nine years din siyang nasa pulitika. Since last term na niya, ang usually ginagawa ng ibang artista tumatakbo sa mas mataas ang position. Pero according to Dennis, wala siyang plano na tumakbo sa mas mataas na position instead si Marjorie ang patatakbuhin niya sa election sa May.

Habang si Dennis naman, balik television via Sabi Ni Nanay sa RPN 9 na magsisimulang mapanood sa March 9, 8:30 p.m.

Wala na kasing contract si Dennis sa ABS-CBN. At ang last show niya pa ay ang Crazy for You na matagal-tagal na rin na nag-end sa ere. After that, wala na siyang project sa ABS-CBN.

Kakaiba ang concept ng programa dahil reality show ito na nakakatawa ang concept. Ang Solar Entertainment ang producer ng nasabing programa na mapapanood sa RPN 9 na balitang makikipag-agawan ngayon sa no. 3 slot dahil nga naman pukpukan ang ABS-CBN at GMA 7 sa no. 1 and no. 2 slot. Eh ang kalaban lang ng RPN ngayon, ang ABC 5 at QTV 11.

Anyway, going back to Marjorie, paano na kaya ang mga commercial niya. Ayon naman sa kanyang manager na si Ms. June Torrejon, wala naman daw sa contract ni Marjorie na hindi siya puwedeng tumakbo.
* * *
Sino ba talagang mystery girl na ‘yan ni James Yap? Bakit ang balita eh nagwo-work sa Belo Medical Group ang girl.

Sus sanga-sanga na ang kuwento at for the first time, hindi nagsasalita about the issue. Na-mention din ni Tita Cristy Fermin na may nanggugulo lang sa relasyon ng dalawa.

Hay naku, wait and see na lang tayo kung ano ang real score sa relationship nila.

Show comments