Natawag ang aming pansin ng kuwento sa pagpapakamatay diumano ni Jeong Da Bin. Mas kilala natin ang aktres na ito sa kanyang alyas na Noreen sa seryeng nAttic Cat na isang top rater dito sa ating bansa. Nakita siyang patay sa banyo ng isang villa sa Gungnam district sa Southern Seoul, na sinasabing bahay ng kanyang boyfriend na kinilala lamang sa apelyidong Lee. Nang datnan si Jeong, nakatali ng tuwalya ang kanyang leeg.
Wala namang nakitang mga tanda ng foul play ang mga pulis, pero nag-iimbestiga pa rin sila kung si Jeong ay nagpakamatay nga o pinatay.
Si Jeong ay naging bida rin sa isa pang serye, Trio at lumabas na rin sa isnang pelikula. Sumikat din siya noong 2005 sa Taiwan.
May nagsasabing nag-suicide si Jeong dahil sa depression. Nitong mga nakaraang araw daw ay malungkot ito sa nagiging takbo ng kanyang career, at wala nga siyang nakukuhang bagong assignment bilang isang aktres.
Natawag na rin ang pansin ng mga authorities sa Korea dahil noong Enero 21 ay nagpakamatay din aong sikat na Korean singer na si mYuni. Noon ding Marso 2005, nagpakamatay din ang isa pang aktres, si CLee Eun Jeong. Ayon din sa statistics, isa ang Korea sa may pinaka-maraming nagsu-suicide. May 38 taong nagpapa«ükamatay daw sa Korea araw-araw.
Alam namin na ikalulungkot ito ng mga Pinoy na naging fans din ni Noreen, na inaapi-api ng boyfriend niyang si Kevin sa seryeng Attic Cat. Pero hindi nga magandang example yan na dahil lamang sa problema ay nagpapakamatay sila.
Bukod sa Sis, may tinanggap na pala siyang isa pang TV show na ilalabas naman sa isang UHF Channel, at dahil nauna na raw niyang tanggapin yon, yon na muna ang gusto niyang harapin ng husto.