^

PSN Showbiz

Mga 38 ang nagpapakamatay sa Korea, araw-araw

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Hindi natin maitatanggi na maraming fans ang mga Korean stars dito sa ating bansa na nanonood ng mga teleserye at bumibili ng mga pirated series sa DVD. Hindi man sila Pinoy pero, bahagi na rin sila ng ating entertainment life.

Natawag ang aming pansin ng kuwento sa pagpapakamatay diumano ni Jeong Da Bin. Mas kilala natin ang aktres na ito sa kanyang alyas na Noreen sa seryeng nAttic Cat na isang top rater dito sa ating bansa. Nakita siyang patay sa banyo ng isang villa sa Gungnam district sa Southern Seoul, na sinasabing bahay ng kanyang boyfriend na kinilala lamang sa apelyidong Lee. Nang datnan si Jeong, nakatali ng tuwalya ang kanyang leeg.

Wala namang nakitang mga tanda ng foul play ang mga pulis, pero nag-iimbestiga pa rin sila kung si Jeong ay nagpakamatay nga o pinatay.

Si Jeong ay naging bida rin sa isa pang serye, Trio at lumabas na rin sa isnang pelikula. Sumikat din siya noong 2005 sa Taiwan.

May nagsasabing nag-suicide si Jeong dahil sa depression. Nitong mga nakaraang araw daw ay malungkot ito sa nagiging takbo ng kanyang career, at wala nga siyang nakukuhang bagong assignment bilang isang aktres.

Natawag na rin ang pansin ng mga authorities sa Korea dahil noong Enero 21 ay nagpakamatay din aong sikat na Korean singer na si mYuni. Noon ding Marso 2005, nagpakamatay din ang isa pang aktres, si CLee Eun Jeong. Ayon din sa statistics, isa ang Korea sa may pinaka-maraming nagsu-suicide. May 38 taong nagpapa«ükamatay daw sa Korea araw-araw.

Alam namin na ikalulungkot ito ng mga Pinoy na naging fans din ni Noreen, na inaapi-api ng boyfriend niyang si Kevin sa seryeng Attic Cat. Pero hindi nga magandang example yan na dahil lamang sa problema ay nagpapakamatay sila.
* * *
Hindi naman pala talagang co-host si Janice de Belen "doon sa programang Kapatid sa Channel 5. Hindi na raw niya kaya ang isa pang TV show. Kaya lang daw siya naroroon madalas ay dahil kaibigan nga niya ang host at producer ng show na si Dr. Joel Mendez.

Bukod sa Sis, may tinanggap na pala siyang isa pang TV show na ilalabas naman sa isang UHF Channel, at dahil nauna na raw niyang tanggapin yon, yon na muna ang gusto niyang harapin ng husto.

ATTIC CAT

DR. JOEL MENDEZ

JEONG

JEONG DA BIN

LEE EUN JEONG

NATAWAG

NOREEN

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with