Odette, tinotoo ang pananakit kay Marian!
February 16, 2007 | 12:00am
Kay Marian Rivera hinanap ng press si Odette Khan dahil siya lang sa Filipino cast ang wala sa presscon ng Muli. Walang maisagot ang actress at itinuro ang staff na sinadya yata na ‘wag nang papuntahin sa pressacon para ‘di na pag-usapan ang nangyari sa taping kung saan, mukhang tinotoo ang pananakit sa dalaga.
Hindi na isyu kay Marian ang nangyari sa kanila ng actress at ang alam niya’y okey na sila. Kahit bago pa lang sa showbis, alam na nitong bukod sa talent, kailangang may respetuhan sa mga artista.
"Nirerespeto ko siya at sana, respetuhin din ako. Mag-respetuhan na lang tayo," wika nito.
Bukod sa Muli na start na ng airing sa February 19, napapanood din si Marian sa Super Twins at pinaabangan ang pagbabalik niya dahil may powers na rin siya. Enjoy siya sa dalawang shows dahil magkaiba ang challenge na bigay sa kanya. Sa emotion ang challenge ng afternoon drama at physical challenge naman ang oST na may habulan pa sa bundok.
Dedma pala si Marian sa tsikang magkasama sa digital film ang ex-suitor niyang si Mark Herras at Ryza Cenonc. Sinabi na niya sa actor na friends na lang sila nang maramdamang in-love pa ito kay Jennylyn Mercado. Wala na siyang pakialam sinuman ang ligawan nito.
Ilo-launch sa SOP sa February 25 ang first single release ng debut album ni ng Dennis Trillong na "All Out of Love," original ng Air Supplyo at ginamit sa TVC ng napkin endorsement ng actor at ex-girlfriend ni Derek Ramsey. Sa March 11 naman ang official launch ng album under Indi Music nina Regine Velasquez, Leo Dominguez at Ogie Alcasid.
Dapat, March 5 ang launching, kaya lang sa Bacolod gagawin ang SOP at no choice ang mga producer kundi i-move sa ibang petsa ang special occasion sa buhay ng actor. Bago pa man ang launching ng single at album, tumutugtog na sa radio ang first single at maganda ang pagtanggap ng listeners.
Tagalog at English songs ang nakapaloob sa 11-track album at kasama ang revival ng "Love Is All That Matters." May duet din si Dennis at Regine, ang "Magtatagpong Muli" na nagbigay ng matinding nerbyos sa actor dahil Asia’s Songbird ang ka-duet niya.
Samantala, sobrang happy si Dennis sa mataas na rating ng Super Twins sa Monday at Tuesday episode. Obvious na na-miss siya ng primetime viewers dahil kahit naka-maskara siya ay sinusubaybayan pa rin. –NITZ MIRALLES
Hindi na isyu kay Marian ang nangyari sa kanila ng actress at ang alam niya’y okey na sila. Kahit bago pa lang sa showbis, alam na nitong bukod sa talent, kailangang may respetuhan sa mga artista.
"Nirerespeto ko siya at sana, respetuhin din ako. Mag-respetuhan na lang tayo," wika nito.
Bukod sa Muli na start na ng airing sa February 19, napapanood din si Marian sa Super Twins at pinaabangan ang pagbabalik niya dahil may powers na rin siya. Enjoy siya sa dalawang shows dahil magkaiba ang challenge na bigay sa kanya. Sa emotion ang challenge ng afternoon drama at physical challenge naman ang oST na may habulan pa sa bundok.
Dedma pala si Marian sa tsikang magkasama sa digital film ang ex-suitor niyang si Mark Herras at Ryza Cenonc. Sinabi na niya sa actor na friends na lang sila nang maramdamang in-love pa ito kay Jennylyn Mercado. Wala na siyang pakialam sinuman ang ligawan nito.
Dapat, March 5 ang launching, kaya lang sa Bacolod gagawin ang SOP at no choice ang mga producer kundi i-move sa ibang petsa ang special occasion sa buhay ng actor. Bago pa man ang launching ng single at album, tumutugtog na sa radio ang first single at maganda ang pagtanggap ng listeners.
Tagalog at English songs ang nakapaloob sa 11-track album at kasama ang revival ng "Love Is All That Matters." May duet din si Dennis at Regine, ang "Magtatagpong Muli" na nagbigay ng matinding nerbyos sa actor dahil Asia’s Songbird ang ka-duet niya.
Samantala, sobrang happy si Dennis sa mataas na rating ng Super Twins sa Monday at Tuesday episode. Obvious na na-miss siya ng primetime viewers dahil kahit naka-maskara siya ay sinusubaybayan pa rin. –NITZ MIRALLES
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended