Kahit break na! Alfred, inimbita sa Valentine dinner si LJ

Magandang malaman na kahit na nasa cooling off period sina Alfred Vargas at LJ Reyes ay magkaibigan pa rin sila. Katunayan, kahapon, Valentine’s Day, ay inimbita ni Alfred na mag-dinner si LJ at kasama nila ang mother ng aktor. Bagaman at hindi tahasang tumanggi ang aktres dahil may natanguan na itong naunang commitment, umasa pa rin ang aktor na makakasama ito sa kanila ng mother niya.

Samantala, nilinaw ni Alfred na wala silang unawaan ni Carrie Lee, ang leading lady niya sa soap na Muli ng GMA 7 na magsisimulang mapanood sa Lunes, Peb. 19 sa Dramarama sa Hapon.

"Isa lamang siyang magandang katrabaho, very elegant, very queenly. Kapag dumarating siya, kahit malayo pa siya, ay gusto mo na siyang bigyan ng upuan," ani Alfred.

Ang Muli ay isang co-producton ng GMA Network at Malaysia na nagtatampok kina Alfred at Malaysian beauty queen turned actress na si Carrie, Malaysian actors Tony Eusoff, Dynaz, Alvin Wong at Daniel Tan kasama sina Victor Neri, Marian Rivera, Alicia Mayer, Gabby Eigenmann, Odette Khan at Renz Valerio. – VRS

Show comments