2 anak ni Binoe, fans ni Angel
February 15, 2007 | 12:00am
Aalis si Robin Padilla at ihahatid ang dalawang anak na sina Queenie (14 yrs. old) at Kyle (13 years old) sa Thailand para mag-aral ng Muay Thai. Kasama rin nila si Mommy Eva na makakasama ng dalawang bata habang nag-aaral ito roon. Tatlong araw naman ang ilalagi ni Binoe at uuwi rin agad dahil nagti-taping ito ng Asian Treasures.
Sa March 11 ay aalis sina Angel Locsin at Binoe patungong Thailand, Mongolia at China para mag-taping. Isang buwan silang mananatili run.
Fan na fan pala ni Angel sina Queenie at Kyle at kapag nanonood sila ng taping ay pinapalakpakan nila ang aktres pagkatapos ng mga eksena.
Sinabi ni Binoe, malambot ang lips ng aktres at saludo siya sa galing nito sa maaksyong eksena dahil malakas ang loob sa mga stunts.
Binigyan ba ni Binoe ng Valentine’s gifts si Angel?
"Ba’t ko siya bibigyan ng regalo wala naman kaming relasyon? Gusto ba ako ni Angel?" tanong ng aktor.
Tumawag sa amin ang mga kamag-anak namin na sina Juliet at Bong Iglesia pati ang aming best friend na si Nonie Rivera ng San Diego, California para sabihin na ang daming fans ni Sunshine Dizon sa Tate. Pati yata mga kaopisina ni Juliet ay nagagalingan din sa aktres bilang si Bakekang. Hindi nila pinalalampas na panoorin ito at nasusundan ang mga kabanata ng teleserye sa Pinoy TV.
Kaya sa kanilang pagbabalik-bayan ay nakikiusap na sila para makita ng personal si Sunshine. Napanood din nila si Nora Aunor bilang Bakekang nun pero nagtataka kung bakit ibang-iba ang itsura ng dalawa noon at sa makabagong panahon.
Maraming nagtataka kung bakit pumayat si Minnie Aguilara. Open naman ito sa pagsasabing nagpa-lypo siya kaya strictly on diet ang magaling na stage actress. Kasama ito ngayon sa Maria Flordeluna bilang si Saling.
Sa March 11 ay aalis sina Angel Locsin at Binoe patungong Thailand, Mongolia at China para mag-taping. Isang buwan silang mananatili run.
Fan na fan pala ni Angel sina Queenie at Kyle at kapag nanonood sila ng taping ay pinapalakpakan nila ang aktres pagkatapos ng mga eksena.
Sinabi ni Binoe, malambot ang lips ng aktres at saludo siya sa galing nito sa maaksyong eksena dahil malakas ang loob sa mga stunts.
Binigyan ba ni Binoe ng Valentine’s gifts si Angel?
"Ba’t ko siya bibigyan ng regalo wala naman kaming relasyon? Gusto ba ako ni Angel?" tanong ng aktor.
Kaya sa kanilang pagbabalik-bayan ay nakikiusap na sila para makita ng personal si Sunshine. Napanood din nila si Nora Aunor bilang Bakekang nun pero nagtataka kung bakit ibang-iba ang itsura ng dalawa noon at sa makabagong panahon.
Chinese New Year Sa Sis
Sa araw na ito ay live ang Sis sa Binondo-holi, holi, hoy salubong sa taon ng baboy kung saan magaganap ang Chinese New Year Special mismo sa Binondo. Kasama na rito ang VTR features ng Binondo na gawaan ng hopya. Matatandang establishments na buhay pa rin hanggang ngayon (Binondo noon at ngayon).
Kasama rin ang hulaan portion based sa Chinese calendar at wushu dance.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended