Kung bakit kinukuhang endorser si Kim Chiu

Hindi lamang naman pala sa mga TV novela mabenta si Kim Chiu (Love Spell, Sana Maulit Muli), unti-unti na ring dumarami ang kanyang TV endorsement na hindi naman nakapagtataka dahil sabi ng mga tao behind her latest TV product endorsement, À pH Care Pure ‘N Fresh, isang feminine wash, ay napakadali raw makipag-negotiate sa kanya at lalong hindi sila nagkaproblema sa paggawa ng komersyal dahil napaka-cooperative niya, walanng toyo, walang tantrums at lalong walang mood, palagi lang masaya. Hindi raw siya primadonna na tulad ng mga iba nilang endorsers.

Siguro nga dahil, kita naman sa komersyal na masaya si Kim nang ginagawa niya ang komersyal, nag-reflect ito sa finished product, kaya naging maganda. Hindi rin nakapagtataka kung maging mabenta ang produkto dahilan sa kanya.

Sa kanyang gulang, hindi mo aakalain na isang seryosong tao si Kim, aakalain mo na dahilan sa kanyang kabataan ay ituturing niya na isa lamang laro ang kanyang ginagawa. Sa halip, kinakitaan siya ng propesyonalismo at mga katangian ng isang gustong maging matagumpay sa kanyang ginagawa.
* * *
Inilipat na sa Miyerkules at sa bago niyang tahanan ang katotong £ö£ÈRicky Lo. Mapapanood na siya tuwing 8:30 NG sa yQTV 11 na muling magbibigay ng mga bagong balitang showbiz, mga blind items na siguradong paghihirapan n’yong hulaan at magi-interview ng mga artista na kundi man nasa limelight ngayon dahil may isyu sa kanila ay mayroon naman silang mgÈÎÈÈÎÈa bagong ginagawa.

Ang bagong programa niya na pinamagatang +õThe Ricky Lo Exclusives ay nasa mas maaga nang time slot pero, hindi ibig sabihin ay hindi na ito magiging matapang at bold sa kanyang approach sa mga iýþþsyu na may kinalaman sa mga artista. Sabi nga niya, "The show will unveil the naked truth of showbiz." Magbibigay din siya ng kanyang editorial sa magiging topic of the week na magsisilbing isang direct appeal niyaÐþýþý sa mga artisang involved.

Abangan n’yo siya sa The Ricky Lo ExclusivesÈ na magsisimula ngayong Valentine’s Day, QTV 11 primetime.
* * *
E-mail: veronicasamio@yahoo.com

Show comments