Janno, dumidistansya na sa tsiks!

Naawa rin pala si Janno Gibbs kay Gladys Guevarra nung kasagsagan ng intriga tungkol sa kanilang dalawa.

"Sinasabi kasi ng tao na bakit ako pumatol kay Gladys at ang cheap-cheap ko naman bakit siya pa, kawawa naman yung tao. Ipinaliwanag naman ni Gladys na talagang hindi kami nagkaroon ng relasyon. At hindi rin ako ang dahilan ng pag-alis niya sa Eat Bulaga," comment ni Janno.

Ngayong nagbagong buhay na raw siya ay walang gustong maniwala. Hindi lang siya kay Gladys dumistansiya kundi sa lahat ng mga girls. Mas naging conscious daw siya ngayon sa kanyang mga kilos. Kaya doble ang kanyang pag-iingat ngayon. Madalas daw kasi siyang nami-misinterpret sa pagiging close niya sa mga babae.

"Mayakap kasi akong tao. Talagang sweet ako kahit kanino na nabibigyan ng malisya," sabi ni Janno.

Sa bagong album ni Janno sa GMA Records na pinamagatang "Little Boy", umaasa siyang mababawasan ang impression sa kanyang pagiging chickboy. Lalo na’t mayro’n siyang kanta para kay Bing Loyzaga na "Ikaw Lang at Ako Habang Buhay".

"Inaayos pa rin namin. Para sa akin, may chance pang ma-save ang marriage namin," sabi ni Janno.

Ngayong April ay debut na ni Alyssa pero, wala pang definite plans na malamang ay mag-out of town ang bagets. Meron na rin itong bf, pero okey lang kay Janno.

"Importante kasi yung tiwala. Basta alam lang namin kung saan sila pupunta at sino ang kasama. Pag naghigpit ka kasi ay mas lalo lang magrerebelde ang bata," kuwento ni Janno.

At kung bakit "Little Boy" ang carrier single niya ng kanyang ika-8th album ay reflection ito ng kanyang pagiging kid at heart.

"Kasi kahit marami na akong pinagdaanan sa buhay, sa puso ko I’m still a little boy. Sabi nga like kids at heart na nasasaktan, nag-struggle, at marami pang dapat matutunan sa buhay," paliwanag ng singer.
* * *
Kung paano ang rigodon ng mga kakandidato sa oposisyon at administrasyon, ganito rin ang siste sa showbiz.

Tulad ng kilalang Kapuso talent na si Lani Misalucha na mapapanood na sa ASAP 07.

Nanibago rin ako sa kanyang bagong selftitled album dahil hindi siya bumirit na malayo sa kanyang style noon. Nabitin tuloy ako sa kanyang 13 cuts sa album. At kung bumirit man si Lani, maning-mani lang ito sa kanya kaya naging magaan pa rin ang dating ng mga kanta.

Pero in fairness, binigyan niya ng magandang hagod sa sarili nitong version ang mga kantang "Very Special Love," "I Live For Your Love," "These Dreams," at iba pa na release ng Universal Records.

Pero siguradong hindi mabibitin ang mga fans ng singer sa kanyang concert na Lani: Missing You sa March 17 sa Araneta Coliseum na handog ng 105.1 Crossover Petron Extra Unleaded.

Show comments