"Wala kasi akong oras sa kanya sa dami ng trabaho. Ayaw ko namang mambitin ng trabaho kaya siguro sinabi sa akin ni Polo na cool off muna kami. May show ako sa Valentine’s Day titled Naked Love at marahil hindi naintindihan ni Polo ang aking commitment dahil sa palagay niya ay wala akong panahon para sa kanya. Pagod na pagod na ako pagdating sa pag-ibig," sey ni Ara.
Hanggang ngayon ay magkasama sila ni Kenneth at siya ang personal na nag-aasikaso dito samantalang si Kiko ay kasama naman ni Lotlot de Leon sa isang compound kaya nasusubaybayan niya ang mga kapatid.
"Ano naman ang pinagkaabalahan mo noong pansamantala kang nagpahinga sa showbiz?" tanong namin.
"May series of shows ako sa Tokyo at kumakanta kasama ang banda. Ako ang tumutugtog ng drums. Nag-business din ako-buy and sell ng kotse at nag-real estate din. Baka ngayong Abril ay magkaroon ako ng chance na makita si Mommy (Guy) dahil magkakaroon kami ng show sa US, kasama si Kiko at Tirso Cruz III," aniya.
Kasama si Ian de Leon sa Super Twins bilang Manuel kung saan mahalaga at markado ang kanyang role. Pangako nito na magiging seryoso na sa trabaho at ang nagma-manage ng kanyang career ay si Malou Choa-Fagar.
May isa itong anak na babae at second year high school sa St. Paul, Pasig.
Sa fantaseryeng Super Twins ay kasama si Tetchie bilang si Lola Besta at ina ni Manuel na ginampanan naman ni Ian de Leon.
Maganda ang kanilang chemistry at kahit off-camera ay may magic ang dalawa. Inamin ni Richard na kamuntik na silang magkarelasyon ni Angel three years ago kaya lang bata pa sila nun at di pa handa kaya inatupag muna ang career. Sinabi pa rin ng aktor na inaalagaan din niya ang espesyal na relasyon nila ni Angel at hindi niya ito ipagpapalit kahit kanino.