Juday, alin ang uunahin, ang movie with Claudine o yung kay Jolina?
February 11, 2007 | 12:00am
Gaano katotoo na bumabalik pala si Oyo Boy Sotto kay Angel Locsin kamakailan lang pero tila hindi na ito ini-entertain pa ng aktres?
Tsika sa amin ng taong nakakaalam ng buong istorya, "Naloka si ‘Gel sa approach ni Oyo sa kanya na, ‘Ano, hindi ba natin pag-uusapan ang problema?’ Syempre, kung gusto mong bumalik, dapat manuyo ka, hindi ‘yung parang combative pa ang approach mo, di ba?
Samantala, mukhang hindi nakatanggap ng diamond gift si Angel kay Oyo nung mag-on pa sila dahil sobrang shocked siya sa regalo ng leading man niyang si Richard Gutierrez ngayong Valentine na pair of diamond earrings na kapalit ng hikaw ng aktres na hiniram ng aktor para sa pelikula.
Naringgan daw ang aktres ng, "Ito ang pinaka-bonggang regalong natanggap ko ngayong Valentine."
Anyway, tama lang sigurong maghiwalay na sina Oyo at Angel dahil tiyak na pag-aawayan nila ang mga passionate love scenes sa pelikulang The Promise na ayon mismo sa mga nakapanood ay 70% ng pelikula ay puro lovescenes.
Samantala, sina Richard at Angel ang magkasama sa Valentine’s Day, February 14 para sa promo ng movie nila at tiyak na diretsong dinner na ito.
Walang girlfriend ang isa sa Pinoy Dream Academy Top 6 na si Chad Peralta at inamin niyang super-crush niya sina Alessandra de Rossi, Barbie Almalbis at ang female singer ng bandang Mojofly.
"Mga crushes lang po, kasi sila ‘yung mga nakita kong type ko so far," pag-amin ni Chad sa amin.
Kaya maski na parati niyang kasama si Panky Trinidad ay no pansin ang dalagang rakista sa binatang Aussie dahil ang tingin daw niya sa inila-loveteam sa kanya, "Sometimes she’s a girl, sometimes she’s a boy. I don’t know...," natawang sabi ng binata.
At ang puring-puri niya sa kapwa PDA top 6 ay ang pagiging witty at funny nito, "Tahimik po akong tao, so natutuwa ako kay Panky because she makes me laugh," saad pa.
Wala ba talagang pag-asang maging ‘sila’ since magkadikit sila parati at sila rin ang roommates kapag out of town ang shows nila?
"Ay, hindi po, good friends ko lang si Panky since we have the same wave length and wala talaga," paliwanag ni Chad na umiiling.
At dahil isang taong walang girlfriend si Chad, "I don’t have sexlife for over a year now, and I don’t think of it because for now, I’m enjoying what the PDA is doing for us. Career is my priority now, so girls, wala muna, but I do miss having a girlfriend, pero saka na talaga," paliwanag ng Australyanong conservative.
Bakit conservative? Dahil hangga’t maiiwasan ni Chad ang one night stand ay iniiwasan niya, "I don’t look for that, but when a girl ask me to, then, what will I do? Alangan namang iwanan ko siya nakakahiya, but I always practice safe sex naman."
Ire-remake pala ang pelikulang T-Bird at Ako ng Star Cinema at ang mga bida ay sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto.
Ito ang tsikang nalaman namin sa bakuran ng ABS-CBN na kaya pala pinipigilan ng taga-Star si Budaday na gawin ang pelikula nila ni Jolina Magdangal sa GMA Films ay para unahin ang nasabing pelikula noon nina Nora Aunor at Vilma Santos.
Sa ganang amin ay di ba mas magandang gawin nina Juday at Claudine ang T-Bird at Ako after makapanganak ng huli?
Samantala, tsika sa amin ng fans nina Juday at Ryan Agoncillo na guest daw ang dalawa sa Sis next week base sa nakita nila ay very much welcome raw ang idol nila sa Kapuso network kasama si Jolina at ang boyfriend nitong si Atty. Bebong Muñoz para sa Valentine episode ng Sis.
Pangalawang episode nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa sa Love Spell na may titulong Click na Click na mapapanood ngayong hapon sa Channel 2 at dito na mabubuking ng aktor na hindi pala si Precious Lara Quigaman ang destiny niya kundi ang inupahan niyang photographer para sa kasal niya, si Tintin.
Anyway, may suggestions ang loyal fans nina Diet at Kristine na bigyan sila ng mas mature na role dahil kitang-kita na raw sa camera na hindi na sila mga bagets para magpa-cute.
– REGGEE BONOAN
Tsika sa amin ng taong nakakaalam ng buong istorya, "Naloka si ‘Gel sa approach ni Oyo sa kanya na, ‘Ano, hindi ba natin pag-uusapan ang problema?’ Syempre, kung gusto mong bumalik, dapat manuyo ka, hindi ‘yung parang combative pa ang approach mo, di ba?
Samantala, mukhang hindi nakatanggap ng diamond gift si Angel kay Oyo nung mag-on pa sila dahil sobrang shocked siya sa regalo ng leading man niyang si Richard Gutierrez ngayong Valentine na pair of diamond earrings na kapalit ng hikaw ng aktres na hiniram ng aktor para sa pelikula.
Naringgan daw ang aktres ng, "Ito ang pinaka-bonggang regalong natanggap ko ngayong Valentine."
Anyway, tama lang sigurong maghiwalay na sina Oyo at Angel dahil tiyak na pag-aawayan nila ang mga passionate love scenes sa pelikulang The Promise na ayon mismo sa mga nakapanood ay 70% ng pelikula ay puro lovescenes.
Samantala, sina Richard at Angel ang magkasama sa Valentine’s Day, February 14 para sa promo ng movie nila at tiyak na diretsong dinner na ito.
"Mga crushes lang po, kasi sila ‘yung mga nakita kong type ko so far," pag-amin ni Chad sa amin.
Kaya maski na parati niyang kasama si Panky Trinidad ay no pansin ang dalagang rakista sa binatang Aussie dahil ang tingin daw niya sa inila-loveteam sa kanya, "Sometimes she’s a girl, sometimes she’s a boy. I don’t know...," natawang sabi ng binata.
At ang puring-puri niya sa kapwa PDA top 6 ay ang pagiging witty at funny nito, "Tahimik po akong tao, so natutuwa ako kay Panky because she makes me laugh," saad pa.
Wala ba talagang pag-asang maging ‘sila’ since magkadikit sila parati at sila rin ang roommates kapag out of town ang shows nila?
"Ay, hindi po, good friends ko lang si Panky since we have the same wave length and wala talaga," paliwanag ni Chad na umiiling.
At dahil isang taong walang girlfriend si Chad, "I don’t have sexlife for over a year now, and I don’t think of it because for now, I’m enjoying what the PDA is doing for us. Career is my priority now, so girls, wala muna, but I do miss having a girlfriend, pero saka na talaga," paliwanag ng Australyanong conservative.
Bakit conservative? Dahil hangga’t maiiwasan ni Chad ang one night stand ay iniiwasan niya, "I don’t look for that, but when a girl ask me to, then, what will I do? Alangan namang iwanan ko siya nakakahiya, but I always practice safe sex naman."
Ito ang tsikang nalaman namin sa bakuran ng ABS-CBN na kaya pala pinipigilan ng taga-Star si Budaday na gawin ang pelikula nila ni Jolina Magdangal sa GMA Films ay para unahin ang nasabing pelikula noon nina Nora Aunor at Vilma Santos.
Sa ganang amin ay di ba mas magandang gawin nina Juday at Claudine ang T-Bird at Ako after makapanganak ng huli?
Samantala, tsika sa amin ng fans nina Juday at Ryan Agoncillo na guest daw ang dalawa sa Sis next week base sa nakita nila ay very much welcome raw ang idol nila sa Kapuso network kasama si Jolina at ang boyfriend nitong si Atty. Bebong Muñoz para sa Valentine episode ng Sis.
Anyway, may suggestions ang loyal fans nina Diet at Kristine na bigyan sila ng mas mature na role dahil kitang-kita na raw sa camera na hindi na sila mga bagets para magpa-cute.
– REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended