Inamin mismo sa amin ng taga-ABS-CBN na last minute ay naisip nilang si Jomar ang gumanap bilang batang Rayver dahil malakas ang impact nito sa viewers bilang bestpren ni Makisig Morales sa fantaseryeng Super Inggo na magtatapos na ngayong gabi, Biyern"es.
"‘Yung kasing unang nakuhang gaganap na young Rayver, walang dating, hindi siya nagmamarka sa tao kaya naisip si Jomar since kilala na siya, kaya pinatapos muna siyang mag-taping ng Super Inggo bago siya pinag-taping ng Rounin’ and hopefully by April, airing na siya, true na ’yun.
"May mga ni-reshoot kasing eksena na hindi maganda nung na-preview tapos nadagdag pa itong si Jomar, so natagalan talaga. At bago siya umere, ipapalabas ang one-week episode sa lahat ng SM Cinemas ng libre," kuwento sa amin ng taga-lackDos.
Mukhang sinuwerte si bestpren Jomar kasi bukod sa Rounin’ â€â€Âay co-host din siya nina Sarah Geronimo= at Makisig sa Little Big Superstar na umpisa na ngayong Sabado.
"Kaya nag-iisip po ako kung anong magandang pose ang bagay kay Peachy (tawag niya kay Rufa Mae), kasi gusto ko maganda at kakaiba," pilyong sabi ni Erik.
Inamin ng binata na seloso siya lalo’t super-sexy ang mga damit na i_sinusuot ng girlfriend niya at madalas na ito ang dahilan ng kanilang sagutan na nauuwi naman kaagad sa lambingan.
"Tulad po sa pictorial namin sa repeat ng When Erik Met Rufa, e, medyo daring ‘yung gown na suot niya, sabi ko, baka gusto naman niyang takpan ng konti, kasi sobrang sexy, labas na halos lahat, e, maraming diskusyon. Umokey naman sa huli," kwento ng alaga ni *Boy Abunda.
Samantala, co-prod pa pala si Erik sa When Erik Met Rufa The Repeat..to the Max na gaganapin sa Aliw Theater sa February 16 ay taliwas sa sinabi ni Rufa Mae sa solo presscon niya na hindi na niya isinama ang boyfriend sa pagpo-produce ng repeat dahil ayaw niyan_g guluhin pa ang utak nito.
"Kasama po ako, ‘yun nga lang, mas malaki ang share ni Peachy, mga 70%, akin ‘yung 30% kaya siguro sabi niya solo niya," esplika ng binata. -REGGEE BONOAN