Tsika sa amin ng taong nakakuwentuhan ni Kuya Dick na marami raw ang humihimok sa kanyang kumandidato sa sarili niyang bayan dahil tiyak daw na winner na siya.
"Actually, matagal nang may offer kay Roderick para tumakbong Vice-Mayor at Congressman noon pa, pero hindi niya tinatanggap kasi ayaw niyang maintriga na naman, di ba nga, nilalait ang mga artista?
"E, this time, mukhang hindi siya makakatanggi kasi grabe na ang pakiusap sa kanya.
"Nakakatuwa nga, kasi pati rito sa Quezon City, may offer sa kanya na tumakbo rin for councilor, kaya ang lolo mo, hayun, kung sinu-sino ang tinatanong kung ano ba talaga.
"Kaming mga kaibigan niya, ibinigay namin ang pros and cons at kung anuman ang desisyon niya, suportado namin siya hanggang sa dulo.
"Sabi nga namin, maski naman wala siya sa pulitika ay marami siyang natutulungan, siguro nga kapag nasa puwesto siya, baka mas marami na kasi may budget na siya.
"Definitely, hindi yan mangungurakot, e, marami na siyang naipundar no?" mahabang kuwento sa amin ng kaibigan ng komedyanteng aktor.
In fairness naman to Kuya Dick ay hindi naman siguro siya masasabihang bobo o walang alam dahil graduate naman ito sa UP years ago.
Any comment from Roderick?
Doon lang namin nalaman na hindi lang pala mga tinedyer at kadalagahan ang market nila, pati mga matrona.
Yes, matrona killer ang beauty ng dalawang heartthrob ng ASAP 07 at ang nakakaloka, pumipila ang mga ito sa aisle para lang makahalik kina Piolo at Sam.
SRO (standing room only) ang two-night concert ng dalawang aktor kaya naman may repeat sila by March 17 sa Aliw Theater, iba ba ang nationwide tour nila na ang kick-off ay sa Cebu Waterfront?
Maganda ang boses ni Sam dahil buo, pero pansin namin na wala siyang feeling kumanta, unlike Piolo na punumpuno naman ng feelings at mega-emote pa, pero kinakapos naman, marahil ay pagod na pero ang mga taong nasa loob ng MM, lahat yumuyugyog sa kanila.
Si Binoe ang pinaka-guest sa nasabing event na ayon na rin kay Mr. Alhambra raw ang kauna-unahang major Muslim assembly na ginanap sa nasabing bayan.
Inamin din ng City Officer na bagamat ang Baguio ang parating tourist destination ay hindi pa umaabot sa 30,000 sa isang puntahan lang kaya naman abut-abot ang pasalamat nila kay Robin dahil malaking tulong ang event na ito para sa mga kababayang taga-Baguio para na rin sa mga negosyo nila.
Si Bedejim Abdullah ang local Islamic scholar ay nagpahayag na ang nasabing event ay isa lang sa mga oriented projects for Baguio. REGGEE BONOAN