Aktor, madalas magpalibre sa dating gf na aktres
February 5, 2007 | 12:00am
Laging one-way ang drama ng sikat na young actor pagdating sa pagbibigay ng regalo o paglilibre ng nagiging nobya sa kanya ayon sa aking source. Noong nakaraang Pasko ay niregaluhan ang aktor ng kanyang ex-dyowa na umabot sa malaki-laking halaga pero di naman siya nakapagbigay ng Christmas gift sa nobyang aktres.
Ganito rin pala ang nangyari sa una niyang nobya na isa ring aktres kung saan siya lagi ang naglilibre kapag kumakain sila sa labas o kayay siya rin ang nauuna sa pagbibigay ng regalo sa mahahalagang okasyon pero wala ring kapalit dahil di siya nabibigyan ng regalo ng aktor.
Mabuti na lang nang magkahiwalay sila ay nagkaroon ito ng bagong nobyo at naiba ang mundo ng aktres dahil thoughtful ang bagong bf nito at lagi siyang may regalo dito bukod pa sa di nito nararanasan na siya ang maglibre sa nobyo kapag may pupuntahan silang gimikan o kayay kakain sa mamahaling restoran.
Pinabulaanan ni Gladys Guevarra ang balita tungkol kay Janno Gibbs na naging karelasyon niya at sinabing namis-interpret lang ang pagiging malambing nito sa mga babae gaya niya.
Sa kabilang banda, excited na si Gladys dahil first time na makakasama niya sa pre-Valentine concert si Rico Puno at Verni Varga titled Love Affair ng Royal Era Entertainment.
"Alam kong balahura si Rico at handa na ako sa kanya. Naiintimidate naman ako kay Verni dahil diva yan. Nagpalit na ako ng repertoire na mga alternative songs. Kung balahura si Rico J. balahura rin ako kaya magkakasundo kami," anang komedyante.
Apat na beses nang nagpapalit ng sasakyan si Gladys pero ngayon ay naka-Expedition na ito. Mayroon na siya ngayong lugawan na malakas. Pero hindi pa niya type na bumili ng bahay dahil balak din pala nito na mag-migrate sa Amerika.
Tuwing birthday ay naghahanda siya kahit noong maliit pa siya kaya balak niya magselebrayt ng birthday sa Zirkoh. Nangako siya sa kanyang pamilya na mag-a-abroad sila at pupunta ng Hongkong this week para makapag-bonding. Tatapusin lang nito ang promosyon ng Magic Kamison.
Ganito rin pala ang nangyari sa una niyang nobya na isa ring aktres kung saan siya lagi ang naglilibre kapag kumakain sila sa labas o kayay siya rin ang nauuna sa pagbibigay ng regalo sa mahahalagang okasyon pero wala ring kapalit dahil di siya nabibigyan ng regalo ng aktor.
Mabuti na lang nang magkahiwalay sila ay nagkaroon ito ng bagong nobyo at naiba ang mundo ng aktres dahil thoughtful ang bagong bf nito at lagi siyang may regalo dito bukod pa sa di nito nararanasan na siya ang maglibre sa nobyo kapag may pupuntahan silang gimikan o kayay kakain sa mamahaling restoran.
Sa kabilang banda, excited na si Gladys dahil first time na makakasama niya sa pre-Valentine concert si Rico Puno at Verni Varga titled Love Affair ng Royal Era Entertainment.
"Alam kong balahura si Rico at handa na ako sa kanya. Naiintimidate naman ako kay Verni dahil diva yan. Nagpalit na ako ng repertoire na mga alternative songs. Kung balahura si Rico J. balahura rin ako kaya magkakasundo kami," anang komedyante.
Apat na beses nang nagpapalit ng sasakyan si Gladys pero ngayon ay naka-Expedition na ito. Mayroon na siya ngayong lugawan na malakas. Pero hindi pa niya type na bumili ng bahay dahil balak din pala nito na mag-migrate sa Amerika.
Tuwing birthday ay naghahanda siya kahit noong maliit pa siya kaya balak niya magselebrayt ng birthday sa Zirkoh. Nangako siya sa kanyang pamilya na mag-a-abroad sila at pupunta ng Hongkong this week para makapag-bonding. Tatapusin lang nito ang promosyon ng Magic Kamison.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended