Nakasama pa namin sa nasabing salu-salo ang PR Director (reporting directly to Maloli) ng ABS-CBN na si Leah Salterio na walang kaalam-alam na pagkaraan ng dalawang oras (4:00 p.m. that same day) ay iti-terminate na pala siya (Lea) kasama ang PR Manager (ng ABS-CBN) na si Peachy Guioguio at binigyan lamang sila ng hanggang alas-6 ng gabi (same day) na linisin at lisanin ang kanilang mga tanggapan at i-surrender ang kanilang mga company I.D.s. Magkasunod na ipinatawag sina Leah at Peachy sa tanggapan ni Maloli kung saan naroon din ang dalawang HR officers ng ABS-CBN at doon inabot sa dalawa ang kanilang termination papers na ikina-shock nila.
Ang tanong ng marami, bakit hindi man lamang binigyan ng due process sina Leah at Peachy bago sila tinanggal sa trabaho?
Nung November ay binigyan ng memo sina Leah at Peachy na may kinalaman sa kanilang pagsusulat sa Philippine Star kung saan sila parehong nakakatanggap ng honoranium sa kanilang sinusulat. They were asked to explain na ginawa naman ng dalawa at tinanggap naman ang kanilang mga paliwanag. Since then, wala nang narinig pa sina Leah at Peachy kay Maloli at sa HR na may kinalaman sa kanilang offense. Yun pala ay patuloy umano si Maloli sa paghahanap ng ebidensiya laban sa dalawa.
Naakusahan umano sina Leah at Peachy na nagmu-moonlight at may conflict of interest considering na sumusuweldo na sila bilang PR officers ng ABS-CBN.
Paano mo sasabihing nagmu-moonlight sila kung mga tunay naman nilang mga pangalan ang nakalagay na byline sa kanilang sinusulat? Pangalawa, mga talents naman ng ABS-CBN ang kanilang isinusulat kaya ang nagbi-benefit nito ay ang ABS-CBN din. Sa pagkaka-alam namin, ang moonlighting ay hindi ipinapaalam o itinatago ang kanilang ginagawa.
"Premeditated ang lahat," sangga ng isang nirerespetong veteran writer.
Nalulungkot kami sa mga pangyayaring ito dahil bukod sa pareho naming mga kaibigan sina Leah at Peachy ganundin naman si Maloli na hindi marahil naisip na sa kanya rin magba-backlash ang kanyang ginawa sa dalawa.
Papasukin ni Maloli ang magulong daigdig ng pulitika at kailangang-kailangan niya ang suporta ng media. Pero dahil sa ginawa niyang pag-terminate sa dalawa niyang subordinates nang hindi man lamang niya binigyan ng pagkakataong maidepensa ang kanilang mga sarili, hindi ito patas at maraming mga kasamahan at mga kaibigan sina Leah at Peachy sa media na handang tumulong at silay ipagtanggol.
Seventeen years na naging entertainment writer/staff si Leah pero nang dahil sa mas magandang offer ay lumipat siya ng ABS-CBN na halos apat na taon na rin niyang pinaglilingkuran habang si Peachy ay nakaka-dalawang taon na.
Ang ipinagtataka naman namin, kung halimbawa lamang na may offense na nagawa sina Leah at Peachy, bakit hinintay pa na sa katapusan ng Enero sila patalsikin sa kanilang trabaho?
Labing-limang taong nagsilbi si Maloli sa ABS-CBN. Hindi marahil gagalaw si Maloli nang walang basbas ang upper management although may power siyang magtanggal ng kanyang mga subordinates tulad nina Leah at Peachy. Dahil sa nangyari kina Leah at Peachy, dalawang PR staff ang sumunod na nagsumite ng resignation papers dahil hindi nila matanggap ang ginawa kina Leah at Peachy.
Dahil nag-resign na si Maloli at tinanggal sina Leah at Peachy at magkakasunod namang nag-resign nina Gian Garlo, Jaja at Karen (pare-parehong PR staff), ano na lamang ang mangyayari sa PR Department ng ABS-CBN lalupat sa March 1 pa umano uupo ang hahalili kay Maloli na si G. Bong Osorio?
Sina Leah at Peachy ang tinanggal pero ang negative repercussion nito ay mapupunta kay Maloli at sa kumpanyang kanyang iniwanan, ang ABS-CBN.
Alam kaya ng second in command sa ABS-CBN na si Bb. Charo Santos ang mga pangyayaring ito? May gawin kaya siya para ma-contain ang problemang ito bago pa man lumala?
Sa pagkakaalam namin, nag-seek na umano ng legal advise sina Leah at Peachy at natitiyak namin na tatamaan dito ang ABS-CBN dahil nag-resign na si Maloli sa nasabing kumpanya at wala na siyang pananagutan sa kanyang ginawa.