Ang isa naman ay under Wordstar Production ni Governor Chavit Singson ang Barang kasama si Liza Lorena, Jacklyn Jose at anak ni Maribel dito si Jay Manalo sa direksyon ni Buboy Tan.
Sa loob ng 25 taon sa industriyang ito ng dating beauty queen, labis itong nalulungkot dahil, marami ang mga baguhan sa ngayon pero, di maganda ang timing at wala masyadong movies.
"Bale, more on appearances at stage ka lang. Kasi, kakaunti ang movie na sinu-shoot. Hindi katulad noong mga nakaraang dekada, kapag sinabing artista o sexy star ka, may proyekto, title role o may launching movie ka. Ngayon, parang wala masyadong producer, nakakalungkot. Gumanda sana ang movie industry natin.
"Matira ang matibay sa ngayon. Theres so much talent, konti ang work. So, you have to really prove yourself! Otherwise, isa ka lang sa magiging fly-by-night stars na dumaan ka lang and you dont really make a mark!" Bing Adorna