"Gusto kong ma-enjoy ang pagiging single-yung wala munang karelasyon. Inaaatupag ko ngayon ang aking trabaho gaya ng The Promise na napakagandang pelikula. Noong una nang sabihin sa aking may kissing scenes kami ni Richard kung saan ang ikalawa ay passionate ay nag-atubili ako pero nang mabasa ko ang script ay na-in love ako sa karakter ni Andrea na gagampanan ko kaya pumayag na ako. Isa pa, komportable ako kapag si Richard ang katambal ko kahit pa may kissing scenes. Mas lalo pa kaming naging close ngayon sa isat isa" aniya.
Hanggang ngayon ay suot pa rin ni Richard sa isang teynga ang half carat-diamond earring mula kay Angel.
Tinanong namin sa magandang aktres kung ano ang masasabi niya tungkol sa balitang ipinatatawag ang kanyang manager na si Becky Aguila ng Quezon City Regional Trial Court tungkol sa civil case na ipinayl niya laban dito noon. Lumabas ito sa isang tabloid (hindi PSN) kung saan ibinalitang di matagpuan ang manager sa kanyang tinitirhang bahay.
Nilinaw ni Angel na ginagawa lang ng kanyang abogado ang kanyang trabaho pero tapos na ang gusot sa pagitan nila ni Becky kung saan nagkasundo na silang dalawa. Pinatotohanan din ng aktres na di umaalis sa kanyang bahay ang kanyang manager.
Sosyal at malaki ang lugar, masarap at affordable ang pagkain at mahusay pa ang serbisyo dito.
Sa Pebrero 14 ay may special show sila ang S-2-Pid Valentine na tatampukan nina Salbakuta, Patricia Ismael at 3 Inches Band. Ang iba pang schedule ng shows ay Feb. 17- Ms. Allona Amor, Shirley Fuentes, Hyubs Azarcon, Justine de Leon at Advent Call; Feb. 25- special show sa Seoul Korea with Luke Mijares, R&B artist; Feb. 24- grand concert ni Bamboo Mañalac sa Bamboos Rocks the City Concert.
Para sa karagdagang detalye tawagan si Zal Bautista sa telephono blg. 5246752 o 09184126217.