Nagulat pa raw si Inah nang tanungin ni Andeng Bautista-Yñares kung totoo ang tungkol sa kanila ni Gab dahil friends lang sila at nagkikita sa Victory Church sa Alabang. Lumabas ang relasyon daw ng mga bagets nang magkaroon ng text war sina Angeli at Gretchen Barretto.
Samantala, matitigil na siguro ang sitsit sa anak ni Sen. Bong sa non-showbiz woman after ma-interview si Lani Mercado sa isang broadsheet. Inamin nito na nasaktan siya nang unang ipaalam ng asawa ang tungkol sa bata, pero natanggap niya at ng kanyang mga anak. "Kuya" pa nga ang tawag dito ng bunso nilang si Ram at textmate ng kanyang mga anak. May nagtsika rin sa amin na nasa cellphone ni Lani ang picture ng 15-year-old bagets.
Natutuwa itot madadagdagan ang ipon niya dahil sa Magic Kamison pilot ngayong Sunday at Super Twins na sa February 12 naman ang airing. Matutuwa si Nadine sa comment ni Angel Locsin na cute siya sa show nila ni Jennylyn Mercado. May unresolved conflict kasi ang dalawa dahil kay Oyo Sotto na pareho nilang ex-boyfriend, pero mukhang puwede na silang maging civil sa isat isa pag nagkita lalot happy si Nadine sa bf niyang si Emerson Chua.
Nalaman namin na there was a time na di tanggap si Nadine ng parents ng bf dahil di siya Chinese, pero ngayon, welcome na siya sa pamilya nito at relatives.
Nangako ng mas magandang repertoire si Vina, more dance numbers at mare-retain ang Kama Sutra number nila ni Ogie Alcasid dahil isa ito sa nagdala ng concert. Very sensual ang number na yun and we asked her kung aksidenteng natsansingan siya ng kapareha? Wala raw ganung nangyari dahil very professional si Ogie at good friend niya ito.
Bukod sa concert, aabangan ng fans ni Vina ang Maria Flordeluna na malapit na ang airing. Mother ni Flordeluna (Eliza Pineda) ang kanyang role na agad niyang tinanggap dahil nasa edad na siya na magkaroon ng anak na pre-pubescent. Ang di pa niya kayang i-portray ay mother ng teenager dahil awkward pa, pero tanggap niyang darating ang panahong yun.
Hanggang this week na lang pala ang Atlantika at wala pang maikuwentong next project sa GMA-7 ang dalaga. Ang boyfriend niyang si Paolo Contis ay kasama sa Lupin III, pero naniniwala itong di siya pababayaan ng GMA Artist Center at ng network mismo.
"Boring" kung i-describe ng dalawa ang kanilang almost one year relationship dahil di sila nag-aaway, pero dahil kay Isabel, napalapit sa Diyos si Paolo. Kung dati, baril ang dala ng actor sa kanyang kotse, ngayon ay bible na at pati inay nagulat.
"Sana" ang sagot ni Paolo sa tanong kung sa kasalan mauuwi ang relasyon nila ni Isabel.
"At the rate our relationship is going, mukhang doon nga mauuwi, kaya lang matagal pa yun dahil bata pa kami at marami pang gustong gawin sa buhay," pahayag nito.