Sumikat talaga sa showbusiness si Atty. Nettles matapos niyang matulungan sina April Boy Regino, Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, at pati pala si Miguel Vera siya rin ang nag-asikaso ng papeles para maging immigrant na roon.
Sabi nga ni Atty. Nettles, nagtataka siya kung bakit ngayon napakaraming Pilipino ang gusto nang magpunta sa US. Totoo na maraming job opportunities doon at maraming trabaho na ayaw kasing gawin ng mga Kano, kaya nakukuha ng mga Pinoy. Sa parte naman ng mga entertainers, napakarami nang Pinoy doon kaya in demand din ang mga singers at artista natin doon. Pero sabi nga niya, there is no place like home.
Kaya nga lang, dito naman kasi sa atin, halos walang trabaho ang mga artista ngayon. Noong nakaraang taon ni hindi umabot sa 50 pelikula ang nailabas.
Wala rin namang masyadong trabaho ang mga singers, dahil ayaw maglabas ng puhunan ng mga record producers dahil napipirata lang ang kanilang ginagawang CD. Iyan ang dahilan kung bakit lahat gusto na lang mag-abroad.
Nagulat nga kami nang banggitin sa amin ni Atty. Nettles ang pangalan ng isang sikat na aktor na gusto na rin daw mag-migrate sa US kasama ang kanyang pamilya. Nakakalungkot yan pero hindi mo sila masisisi.
Pero hindi lang mga artista ang tinutulungan ni Atty. Nettles ha. Kung gusto ninyo mag-e mail kayo sa kanya sa jemnettles@yahoo.com o kaya sumulat kayo sa kanya sa address niya 700 S. Flower St.,Suite 1100, Los Angeles, CA 90017
Sayang naman ano, matapos nilang umamin sa tv na in love sila sa isat isa, sa hiwalayan din sila mauuwi.