Lovi, pati sa abroad naiimbita na

Nagpapasalamat si Lovi Poe sa lahat ng mga taong sumusuporta at naniniwala sa kanyang talent dahil sa kabila ng mga intrigang ibinabato sa kanya lalo na nung nagsisimula pa lamang siya, nariyan pa rin sila at hindi bumitaw sa kanya.

Bago ang It’s Gonna Be Love concert ni Lovi sa Teatrino sa February 11, 9NG, magsi-celebrate siya ng kanyang debut sa SOP sa tanghali. At bago ang kanyang Teatrino concert, magkakaroon muna siya ng concert sa Dagupan Astrodome sa February 10. Sa March 2 naman ay nasa Kuwait siya kasama nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
* * *
Pawang ‘bad guy’ roles ang ginampanan noon ng actor-turned politician na si Jeorge Estregan na mas kilala ngayon bilang si Mayor E. R. Ejercito ng Pagsanjan, Laguna. Pero kung gaano kasama ang mga papel na kanyang ginampanan noon sa pelikula ay siya namang kabaliktaran sa kanyang performance ngayon bilang alkalde ng booming town ng Pagsanjan, Laguna.

Dahil sa magandang performance ni Mayor E. R. Ejercito sa Pagsanjan, marami ang naghihikayat sa kanya na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na halalan pero ayaw niyang iwan pa ang mga proyektong kanyang sinimulan lalo pa’t unang term pa lamang niya ito sa pagka-alkalde at meron pa siyang dalawang terminong natitira sakaling muli siyang mahalal.
* * *
Marami ang nagsasabi na ang singer-TV host-comedian na si Michael V. na raw ang young version ni Joey de Leon ngayon dahil marami silang pagkakahalintulad sa tunay na buhay. Hindi matatawaran ang husay ni Joey pagdating sa paghu-host, pagpapatawa at maging sa pagku-compose at pagkanta, pagiging creative at pagiging isang mahusay na pintor. Although wala pang ipinapakitang talino si Michael V. pagdating sa pagpipinta, sa ibang aspeto ay marami silang pagkakahalintulad lalo na sa pagiging creative. Kahit mismo si Joey ay hanga sa talino ni Michael V.

Mahigit isang dekada nang namamayagpag sa ere ang No. 1 gag show na Bubble Gang kung saan si Michael V. ang creative director at isa sa mga lead stars nito. Labas pa ito sa isa pa niyang programa sa Siete, ang Bitoy’s Funniest Videos na napapanood tuwing Sabado ng gabi.

Dahil sa kakaibang talent ni Michael V., kinuha rin siya ng Eat Bulaga on a semi-regular basis bilang isa sa mga co-hosts ng programa.

Bukod sa kanyang tatlong TV show sa GMA, si Michael V. ay isa ring in-demand na product endorser.

Show comments