Rufa Mae, hindi pa handang magka-baby!

Bumulwak ang menstruation ni Rufa Mae Quinto nang mag-guest sa Startalk last Saturday dala ng matinding stress at tension sa mga itinanong ni Lolit Solis. Nakadagdag pa sa uneasiness ng comedienne singer ang mga natanggap na text message bago siya sumalang advising her to be careful at baka may masaktan siyang tao.

Kaya ayun, habang sumasagot sa mga tanong, ‘di alam ni Lolit na muntik nang matagusan si Rufa Mae. Ang maganda lang sa nangyari, napatunayang mali ang tsismis na buntfis siya courtesy of Erik Santos.

Hindi pa ready magka-baby si Rufa Mae kahit ang dyowa pa niya ang ama dahil marami pa raw siyang dapat gawin sa kanyang career. Heto nga’t pagkatapos ng post-Valentine concert nila ng boyfriend sa Aliw Theater sa February 16 dubbed When Erik Met Rufa The Repeat…to the Max, sa pelikula na siya magko-concentrate. Excited na siyang makasama sa pelikula ng OctoArts Films si Aiai delas Alas.
* * *
Mabuti’t hindi nagbabasa ng tabloids si Carrie Lee, ang Malaysian actress na isa sa dalawang kapareha ni Alfred Vargas sa Muli. Malilito rin tiyak ang dalaga ‘pag nabasang siya ang itinurong rason ng break-up nina Victor Neri at Michelle Madrigal at siya rin daw ang dahilan ng cool-off nina Alfred Vargas at LJ Reyes.

Malalaman natin ang saloobin ng dalaga sa presscon ng Muli dahil malapit na pala ang airing nito at ‘di ipapalit sa Princess Charming. This Wednesday, babalik sa Malaysia si Carrie at sa February 6, narito uli siya para siguro sa presscon. Ayaw pang sabihin ng GMA-7 kung saang time slot ilalagay ang drama series.
* * *
Kinumpirma ni Alfred Vargas sa presscon ng Magic Kamison ang cool-off nila ni LJ Reyes dahil sa lack of time. Nabababawan si Vero Samio, editor ng pahinang ito, sa dahilan ng pansamantalang paghihiwalay ng dalawa’t kung love nila ang isa’t isa, they will find time for each other na totoo nga naman.

Nakaka-intriga ang pahayag ni Alfred na "I don’t want to lose her completely," patungkol kay LJ and at the same time, hindi rin siya ready na muli itong ligawan. Wala rin daw siyang magagawa kung umibig sa iba ang dalaga, pero siya di pa kayang manligaw sa iba. Saka for the time being lang naman daw ang cool-off nila habang busy pa siya.

Hindi ba parang unfair kay LJ ito? Maghihintay siya kung kailan may time na uli sa kanya si Alfred.

Anyway, maganda ang tanong ni Rowena Agilada ng Tempo kung bakit ‘di pa si LJ ang inilagay sa role ni Iwa Moto sa MK? Bukod sa magkakasama sila ni Alfred, mas may dating pa ang tambalan nila dahil kahit cool-off na, may love pa rin sa pagitan nila.

Si Aiai delas Alas ang pinaka-busy sa Backroom artist this February sa rami ng shows. Dalawang gabi ang Valentine concert nila ni Ogie Alcasid na Love to Laugh sa Music Museum sa February 13 & 14. Sa Feb. 16, guest siya sa repeat ng When Erik Met Rufa nina Erik Santos at Rufa Mae Quinto sa Aliw Theater.

Guest din siya sa repeat ng Showgirl ni Vina Morales sa Araneta Coliseum sa Feb. 24. — Nitz Miralles

Show comments