Tsika sa amin ng aming source na aksidenteng narinig niya ang meeting ng buong staff ng MSKM kung anong magandang anggulo ang gagawin sa pag-alis ng magaling na aktor, kung papatayin ba ito o magpapakamatay o biglang mawawala na lang sa istorya.
Naging salbahe na kasi ang role ni Boyet bilang ama ni Bea Alonzo o Jackie dahil ayaw nitong makatuluyan niya ang hampaslupang si Eli o John Lloyd Cruz, kayat pinabugbog niya ang angkan ng aktor.
At kung hindi kami nagkakamali ay hanggang April pa ang nasabing soap drama ng ABS-CBN kayat ini-imagine rin namin kung paano papatayin sa istorya si Boyet.
Anyway, kung tama rin ang tsika sa amin ng aming source ay Vice-Governor daw ang posisyong tatakbuhin ng aktor bilang running mate naman ni Mayor Vilma Santos na kakandidatong Governor ng Batangas.
"Hindi diretsahang sinabing shes my girlfriend, kundi, were dating. At gets na ni Toni yun no! In fact, ngumiti pa nga siya, pero deep inside, umiiyak na ang puso non," kuwento sa amin.
Sabagay, nabanggit na rin ito sa amin ng aming spy na maski saan magpunta ngayon si Anne ay nakasunod ang kanyang leading man sa Maging Sino Ka Man.
Hindi kaya sa sama ng loob ay idinaan na lang ni Toni sa pagbili ng kanyang dream car na BMW ang pagkabigo kay Sam?
At ang nakakalokang parte, sa set pa mandin ng You Got Me, bagong pelikula nina Sam at Toni plus Zanjoe Marudo under Star Cinema nabanggit ng Amboy sa tv/ host/actress ang tungkol kay Anne.
Buti pala hindi nasira ang mood ni Toni nung kunan sila ng eksena ni direk Cathy Molina (nanganak na pala).
Love to Laugh ang titulo ng 2 night show nina Aiai at Ogie at promise ng dalawa na this time ay ibang-iba ang show nila sa mga nakaraan dahil seryoso ang komedyanang aktres this time.
"You have to watch Aiai, ibang-iba siya, hindi na siya balahura, pero may gagawin siya sa ending.
"At bilib ako, ang tataas ng kanta niya, nakaya mo yun?" sabay lingon sa kanyang ka-partner.
May Walt Disney medley si Aiai at iba pang sikat na awitin ng mga divas at iba pa ang dueto nila ni Ogie.
"Tig-ten songs kami, iba pa yung duet, kaya more than 20 songs kami," saad ng komedyanang aktres.
At ibinuking na rin ni Ms. Aiai na may gagawin siya kay Ogie sa show, "Hihipuan ko siya, wala akong pakialam kung may magagalit o magseselos, basta gagawin ko yun," nakangiting say nito.
"At kung magseselos si Regine, hindi ko siya masisisi kasi maganda ako," dagdag pa.
At si Ogie, "Okey lang, hipuan mo ako, hindi kita pipigilan."
After ng Music Museum nila ay dadalhin naman ang Love to Laugh sa Vancouver, Calgary, Edmonton at Winnipeg Canada at sa Los Angeles, San Francisco, Las Vegas, Chicago, USA middle of this year.
Paano yun Ogie, hindi kasama si Regine sa show, hindi kaya maiinggit at ma-miss ka?
"E, di isama siya, puwede naman yun," napangiting sambit ng tv host/actor na napangiti naman ng lihim si Ms A. Reggee Bonoan