Hindi lamang isang napakalaking break ang ipinagkaloob sa kanya ng network, malaking tall order din ang makipagsabayan siya sa apat na mga sikat na loveteams ng ABS CBN na makakatapat ng Magic Kamison, ang Your Song nina Gerald Anderson at Kim Chiu, John Prats at Heart Evangelista, Sarah Geronimo at Carlo Aquino at Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Interesado rin dito ang mga TV viewers dahil balik tambalan sina Sarah at Carlo (Bituing Walang Ningning) at John at Heart, idagdag mo pa ang boxoffice tandem nina Juday at Ryan.
As it is, tila kinakasihan ng swerte si Chuchay, palayaw ni Gladys, sunud-sunod ang mga intriga at kontrobersya ang kinakaharap niya na may kasamang luha na maaring ituring na gimik ng marami para sa MK pero hindi ito sinasadya ni Gladys.
Tulad ng sinasabi niyang nag-resign siya ng Eat Bulaga para magpahinga dahilan sa isang imperfection sa kanyang likod na araw -araw ay kinakailangang mabigyan ng therapy, yun pala ay tatanggap siya ng isang bagong palabas.
Once a week ang taping ng MK kumpara sa anim na araw niya sa Eat Bulaga.
"Mayron akong panahon na magpahinga at sumailalim sa therapy kundi baka tuluyan nang bumaluktot ang aking katawan. Pinakamalaking break ito sa aking career kaya di ko na pinalampas pa. Pero, nang tanggapin ko ito ay nakaalis na ako sa EB," paliwanag ni Chuchay.
Kasama ni Chuchay sa MK sina Alfred Vargas, Nadine Samonte, Carmi Martin, Joy Viado, Iwa Moto, Tia Pusit, Mike Gayoso at si Pilita Corrales, bilang boses ni Magic Kamison.
Malaking sugal din kay Chuchay ang MK dahil one season lang ito na posibleng ma-extend kung ito ay mag-rate pero kung hindi Ang tagumpay nito ay naka-atang sa balikat niya.
Magkasama sila ni Claudine Barretto sa soap na Walang Kapalit kasama si Piolo Pascual. Twenty eight years old na si Nikki at nasa tamang edad na para piliin ang paglagay sa tahimik.