Ara, di na tatakbo!
January 30, 2007 | 12:00am
Going strong na ang pagsasama ng mag-asawang Lander Vera Perez at Regine Tolentino at wala nang problema sa relasyon nila ngayon, ang tanging problema na lang ni Dance Diva ay ang kanyang mahal na ina dahil tinaningan na ito ng doktor ng anim hanggang walong buwan dahil sa sakit na bone cancer.
Hanggat maari ay ayaw nang pag-usapan ni Regine ang sakit ng ina dahil nasasaktan siya, mas gusto niyang pag-usapan ang 3rd instructional video under Viva Video na may titulong Dance Latina kasama ang international champion sa ballroom dancing na si Edna Ledesma.
Going back to Lander, nasa NAIA Immigration pala ito nagwo-work for more than 5 years na at sa rami raw ng ini-report nitong overstaying alien ay hindi pa naman ito nakakatanggap ng death threat, "None that I know, baka hindi lang sinasabi sa akin para hindi ako mag-worry," kwento ni Regine.
Dalawang magagandang babae na ang anak nina Lander at Regine pero hihirit pa raw sila ng dalawa, "Sana boys naman para balanced," sambit ng dance diva.
Kinumpirma na sa amin ng taong malapit kay Ara Mina na may Loving Ara@15 concert sa Araneta Coliseum sa February 3 (Sabado) na hindi ito kakandidato sa darating na eleksyon maski na maraming humihikayat.
"Alam niyang magugulo ang buhay niya kapag kumandidato siya at alam yun ng pamilya niya.
"Mahilig lang talaga siyang mag-charity, marami na siyang nabigyan ng gamot for children sa District 2. May lumapit nga dyang mga estudyante ng public school sa District 1 na walang mga gamit, mga 50 students daw yun, hayun binigyan niya.
"Tapos ngayon, ang beneficiary ng concert niya ay para sa 2 year old kid na may biliary atresia, kailangan ng liver transplant, taga-District 3 naman yun.
"Kaya nga sabi namin ke Ara, daig mo pa mga nasa posisyon sa rami nang nagagawa mo na hindi alam ng marami."
Hindi drawing ang lahat ng kuwentong ito sa amin ng taong malapit sa dalaga dahil pati mga kasamahan namin sa panulat ay nakatikim na rin ng tulong kay Ara nung lumapit sila at hindi raw sila nagdalawang salita rito.
At dahil taga-District 3 kami, curious lang po kami kung ano na ang nagawang projects ng aming konsehalang nakatalaga dito sa lugar namin? REGGEE BONOAN
Hanggat maari ay ayaw nang pag-usapan ni Regine ang sakit ng ina dahil nasasaktan siya, mas gusto niyang pag-usapan ang 3rd instructional video under Viva Video na may titulong Dance Latina kasama ang international champion sa ballroom dancing na si Edna Ledesma.
Going back to Lander, nasa NAIA Immigration pala ito nagwo-work for more than 5 years na at sa rami raw ng ini-report nitong overstaying alien ay hindi pa naman ito nakakatanggap ng death threat, "None that I know, baka hindi lang sinasabi sa akin para hindi ako mag-worry," kwento ni Regine.
Dalawang magagandang babae na ang anak nina Lander at Regine pero hihirit pa raw sila ng dalawa, "Sana boys naman para balanced," sambit ng dance diva.
"Alam niyang magugulo ang buhay niya kapag kumandidato siya at alam yun ng pamilya niya.
"Mahilig lang talaga siyang mag-charity, marami na siyang nabigyan ng gamot for children sa District 2. May lumapit nga dyang mga estudyante ng public school sa District 1 na walang mga gamit, mga 50 students daw yun, hayun binigyan niya.
"Tapos ngayon, ang beneficiary ng concert niya ay para sa 2 year old kid na may biliary atresia, kailangan ng liver transplant, taga-District 3 naman yun.
"Kaya nga sabi namin ke Ara, daig mo pa mga nasa posisyon sa rami nang nagagawa mo na hindi alam ng marami."
Hindi drawing ang lahat ng kuwentong ito sa amin ng taong malapit sa dalaga dahil pati mga kasamahan namin sa panulat ay nakatikim na rin ng tulong kay Ara nung lumapit sila at hindi raw sila nagdalawang salita rito.
At dahil taga-District 3 kami, curious lang po kami kung ano na ang nagawang projects ng aming konsehalang nakatalaga dito sa lugar namin? REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended