Nadine, di patatalbog kay Jennylyn!
January 30, 2007 | 12:00am
Hanggang Enero na lang mapapanood si Nadine Samonte sa Bakekang dahil bida na rin siya sa Super Twins kasama si Jennylyn Mercado. Kaya nga panay ang pagda-diet nito para hindi matalbugan ni Jenny sa seksing costume.
Hindi totoo ang balitang kaya nangangayayat ang aktres ay dahil meron itong anorexia. Maingat lang sa katawan si Nadine. Bukod sa Super Twins ay kasama rin siya sa Magic Kamison.
Naging kaibigan namin si Engr. Numero "Uno" Lim na ipinakilala sa amin ni Rein Escano ng Unang Hirit. Siya ang organizer ng 1st Tondo Idol na patterned after American at Philippine Idol na nagsimula noong December 30, 2006. May labindalawang zone sa Tondo at bawat zone ay may lima o sampung barangay. Bawat zone ay magkakaroon ng Zone Idol na maglalaban sa Grand Finals ng Tondo Idol.
Ang organizer na si Engr. Numero ay may Uno Foundation na naglalayon para makatulong sa mga less fortunate children. Isa siyang matagumpay na businessman bukod pa sa pagiging scholar. Napili si Uno bilang Top Ten Outstanding Filipino Chinese noong 1996 at naging World Junior Tennis Player.
Ano ang nagbunsod sa kanya para magtatag ng foundation at mag-organize ng Tondo Idol?
"I want to share my blessings to the less fortunate dahil sa pagiging matagumpay ko sa buhay," anang guwapong engineer.
Isang aktres ang dinalaw ng mga tagahanga one time sa taping ng isang teleserye. Pagkakita sa kanila ng aktres ay sweet na sweet silang pinakiharapan at nagpakuha pa sila ng pictures at panay ang pagpirma sa autograph.
Pero nang makalayo na ang mga ito sa kanya ay nag-dialogue sa alalay ng "Nakakainis! Nagpa-autograph pa at nag-picture taking naabala tuloy ako sa aking trabaho," anang aktres na hindi nito alam na katabi lang niya ang anak ng isang cameraman nila.
Hindi totoo ang balitang kaya nangangayayat ang aktres ay dahil meron itong anorexia. Maingat lang sa katawan si Nadine. Bukod sa Super Twins ay kasama rin siya sa Magic Kamison.
Ang organizer na si Engr. Numero ay may Uno Foundation na naglalayon para makatulong sa mga less fortunate children. Isa siyang matagumpay na businessman bukod pa sa pagiging scholar. Napili si Uno bilang Top Ten Outstanding Filipino Chinese noong 1996 at naging World Junior Tennis Player.
Ano ang nagbunsod sa kanya para magtatag ng foundation at mag-organize ng Tondo Idol?
"I want to share my blessings to the less fortunate dahil sa pagiging matagumpay ko sa buhay," anang guwapong engineer.
Pero nang makalayo na ang mga ito sa kanya ay nag-dialogue sa alalay ng "Nakakainis! Nagpa-autograph pa at nag-picture taking naabala tuloy ako sa aking trabaho," anang aktres na hindi nito alam na katabi lang niya ang anak ng isang cameraman nila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended