"May sarili siyang presscon na bigay sa kanya ng kabila dahil marami rin siyang activities for Valentine pero, in a way tumutulong din siya sa repeat ng ...To the Max! dahil kami pa rin dalawa ito," ang paliwanag ng seksing aktres na bukod sa concert ay pinaghahandaan na rin ang paglalabas ng isang CD light niya. So far, may dalawa na siyang awitin, ang "Ocean Deep" at "All This time".
Happy si Rufa Mae dahil magwa-walong buwan na ang relasyon nila ni Erik.
"Hindi kami ni minsan lang nagkaron ng major quarrel. Bigayan kasi kami at hindi nagpapatulan. Ako, kapag nagsasalita na siya ay tumatahimik na lang. Kasi dahil singer siya may ilalakas ang boses niya eh ako, wala, baka mamaos pa ako," sabi niya sabay sukbit ng kanyang Gucci bag na Christmas daw sa kanya ni Erik. Nakakadena ito sa kanyang writst na may parang golden handcuff o bracelet ba yon? Biro nga sa kanya na kung iisnatsin yun ay siguradong madadala siya.
Ang When Erik Met Rufa The Repeat...To The Max! ay magaganap sa Aliw Theater sa Pebrero 16, 9NG. Memorable sa kanila ang venue dahil dito nagsimula ang kanilang relasyon, nang halikan siya sa concert ni Erik. May repeat din ba ang kissing scene nila?
"Abangan nyo na lang," sagot ng comedienne na nasasali pa rin sa isyu nina Gretchen at Bong Revilla na aniya ay di niya pinapansin dahil matagal nang nangyari yun at maging kay Gladys Guevarra na pinalitan daw niya sa Eat Bulaga.
"Not true rin dahil naimbita lamang ako nung Saturday at wala silang offer na lumabas ako permanently sa show."
"Nagsusuot na ako ng Hang Ten kahit di pa nila ako endorser, nung nasa high school pa ako," paliwanag ni Katrina na flattered na parang patterned sa kanya ang mga pants na Hang Ten na gusto niya dahil lumalabas ang mga legs niya.
"Maski mga t-shirts nila, ang gaganda, pwedeng gamitin sa mga shoots o tapings. Ang advantage ng Hang Ten, may design both for kids and adults, sa size lang nagkatalo," sabi niya.