Dingdong type na type si Angel
January 29, 2007 | 12:00am
Matindi pala ang paghanga ni Dingdong Dantes kay Angel Locsin. Kaya kapag nakikita niya ang magandang aktres sa studio ng GMA 7 ay nag-iiba ang pakiramdam nito. Pero hanggang paghanga lang ito dahil mahal niya ang nobyang si Karylle.
Wish nga ng aktor na makasama niya Angel sa telebisyonsa isang teleserye dahil hindi pa sila nagkakatambal kahit sa pelikula.
Sa kabilang banda, wala pa silang plano ng gf sa darating na Valentines day dahil pareho silang busy. Tinatapos ni Karylle ang kanyang bagong album at busy ito sa mga guesting sa corporate shows samantalang may Atlantika naman si Dingdong at StarStruck The Next Level.
Nang huli kong makakwentuhan si Richard Gutierrez ay inamin nito na mahirap ang long distance love affair na nararanasan niya ngayon dahil magkalayo nga sila ng nobyang si Georgina Wilson.
Loveless si Angel Locsin kaya may mga nagtatanong kung hindi kaya may mamuong relasyon sa dalawa lalo na at sweet na sweet sila sa shooting ng pelikulang The Promise? Di ba may balitang ang suot na hikaw ni Richard ay mula kay Angel?
Marami naman ang boto sakaling ma-develop si Richard kay Angel gaya ni Mommy Annabelle Rama.
Pero ayon naman kay Angel, pahinga muna siya sa pag-ibig dahil gusto niya munang mag-concentrate sa career na lalo pang gumaganda. Bukod sa Asian Treasures ay malapit nang mapanood ang The Promise.
Hindi naman ipinagkakaila ng dalawang bida na sina Crystal Reyes at Eunice Lagusad na malaki ang nagawang tulong ng soap operang Bakekang sa kanilang dalawa. Ngayon ay may daily series na sila tuwing hapon titled Princess Charming. Kaya lang, ang pagkakaiba ay hindi na magkapatid ang papel na gagampanan nila gaya sa Bakekang.
Siguro dahil sa bagong soap opera na ito ay makakaipon na ng pera si Eunice para ipambili niya ng sasakyan kahit yung secondhand lang para hindi na sila nagta-tricycle, nagdidyip o nagtataxi pag nare-report sa set.
Wish nga ng aktor na makasama niya Angel sa telebisyonsa isang teleserye dahil hindi pa sila nagkakatambal kahit sa pelikula.
Sa kabilang banda, wala pa silang plano ng gf sa darating na Valentines day dahil pareho silang busy. Tinatapos ni Karylle ang kanyang bagong album at busy ito sa mga guesting sa corporate shows samantalang may Atlantika naman si Dingdong at StarStruck The Next Level.
Loveless si Angel Locsin kaya may mga nagtatanong kung hindi kaya may mamuong relasyon sa dalawa lalo na at sweet na sweet sila sa shooting ng pelikulang The Promise? Di ba may balitang ang suot na hikaw ni Richard ay mula kay Angel?
Marami naman ang boto sakaling ma-develop si Richard kay Angel gaya ni Mommy Annabelle Rama.
Pero ayon naman kay Angel, pahinga muna siya sa pag-ibig dahil gusto niya munang mag-concentrate sa career na lalo pang gumaganda. Bukod sa Asian Treasures ay malapit nang mapanood ang The Promise.
Siguro dahil sa bagong soap opera na ito ay makakaipon na ng pera si Eunice para ipambili niya ng sasakyan kahit yung secondhand lang para hindi na sila nagta-tricycle, nagdidyip o nagtataxi pag nare-report sa set.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended