Tulad ng iringan nila Grecthen Barretto at Lani Mercado na siyempre, sangkot ang kani-kanilang asawa-sina Sen. Bong Revilla at Tonyboy Cojuangco.
Tigilan na sana ito. Totohanin na ni Gretchen ang sinabi niyang willing na siyang makipag-usap at makipagbati kina Lani at Bong, para matapos na ang lahat.
At sana naman ay huwag na ring dugtungan pa o gatungan ng mga writers para tuluyan nang matuldukan ang isyu sa kanila.
Kung baga sa pelikula dapat ay "the end" na para pare-pareho na silang maging masaya. Tutal naman may kanya-kanya na silang buhay at kita naman na maligaya at kontento sila sa kanilang mga sariling pamilya kaya sana ay matapos na ang bangayan.
Maraming direktor sa TV ay nagtawagan sa akin at lahat sila ay impressed sa mga pinagdaanan ng mga kabataang produkto nito.
Nakita nila ang hamon ng training ng Thats noon - may paligsahan sa acting, dancing, singing at kung anu-ano pang pinaggagawa ng members noon.
Mas lalo silang humanga sa taunang anniversary ng Thats noon dahil talagang kita nila ang production numbers na sila-sila mismo ang nagbuo ng konsepto.
Sorry na lang dahil wala talagang katulad at mahirap ikumpara pa ito sa mga nagsulputang talent search shows ngayon.
Kita naman nyo ang produkto ng Thats Entertainment masasabi mong world class ang ilan sa mga naging bunga nito.
Hindi mo rin basta babalewalain ang mga lokal na pambatong artista na siyang pinakikinabangan ng industriya natin ngayon na karamihan ay galing sa aking programa.
Pero sabi nga ng mga saksi sa shooting ng kanilang intimate scene, mukhang may halong katotohanan ang mga ipinakita nila sa eksenang ito, dahil sa bigay na bigay sila.
Hindi naman nakakapagtaka kung muling mabuhay ang kani-kanilang mga damdamin sa isat isa lalot libre na ngayon si Angel.
Simula na kaya ito nang naudlot nilang relasyon noon na nagsimula sa mga pinagsamahan nilang TV series at movie? Maliban lang kung may kontrabidang susulpot sa maganda nilang pagtitinginan ngayon, malamang maudlot na naman.
Hindi tulad noong araw na malaki ang kita ng mga awards night na talagang click na click sa manonood, advertisers at producers.
Kasi naman bawat awards giving body ngayon o filmfest ay magulo at hindi nawawalan ng isyu.
Nandiyan din ang awayan o paghihinala sa mga nahirang na nanalo. Eh sino nga ba ang gaganahan pa na mag-produce sa ganitong sistema?
Sinigurado na po ng mga sikat nating artista na darating sila at makikisaya sa atin. Kung gusto nyong manood, alas singko pa lang ng hapon ay pumunta na kayo sa Broadway Centrum.