Nirerespeto ni Diether ang desisyon ni Kristine na alisan ng label ang relasyon nila at maging friends muna sila at muli itong ligawan. Kailangan din nilang i-re-assess kung saan sila nagkamali para magkaroon ng matatag na pundasyon ang kanilang relasyon kung silay magkakabalikan na naniniwala kaming mangyayari.
Magiging madali sa kanila ang magkabalikan dahil magkasama sila sa trabaho at sa ipinahayag ni Kristine na magseselos siya pag na-link sa iba si Diether. Saka, minsan nang ipinaglaban ng dalaga ang actor at muli niya itong magagawa dahil sa pag-ibig.
Samantala, magpa-pilot sa ABS-CBN ang Click na Click sa February 4 sa direksyon ni Andoy Ranay. Kasama rin sa cast sina Precious Lara Quigaman, Eda Nola, Joem Bascon, Pooh, Susan Africa, Tim Espinosa at Chokoleit.
"Hindi naman at wala siyang B.O," ang reaction ng actress, pero tinapos ang isyu sa statement na "Let them deal with their own at ayaw na niyang makialam."
Muli palang mapapanood ang galing na kontrabida ni Mylene sa Princess Charming na bukas na ang airing sa GMA-7. Sa sobrang pang-aapi niya sa childstar na si Eunice Lagusad, baka satan na ang maging tingin sa kanya ng viewers. Nagbiro tuloy itong dapat dagdagan ang talent fee niya dahil hirap siyang maltratuhin ang bagets.
Natawa pala kami sa sagot ni Mylene kung bakit niya tinanggap ang Rome & Juliet kung saan, may matindi silang kissing scene ni Andrea del Rosario at may shower scene pa kung saan, nagsasabunan sila.
"At least bida ako sa movie dahil sa soap, wala akong pag-asang magbida. Hindi ko alam kung bakit ko tinanggap yun, dahil siguro exciting at ibang challenge. Kahit may takot ako noong una, happy ako after doing that scene dahil nagawa ko ng tama," sagot nito.
Valentines Day episode ang With You na hit single ng MYMP at bida sina Heart Evangelista at John Prats. Balik-tambalan nila ito after nilang mag-break four years ago at ang dalaga ang gumawa ng first move para wala silang ilangan at matapos ng maayos ang taping. Tiyak na isa ang episode ng dalawa sa aabangan ng viewers dahil may nakaraan sila.
Ang Carry My Love ni Sarah Geronimo ang theme song at title ng third episode na ang bida ay ang singer-actress din at si Carlo Aquino.
Pang-grand finale ang tambalan nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa episode na ang theme song ay "I Have To Say I Love You in a Song" na sila mismo ang kumanta.
Isasalang sila sa paghahanda sa isang tunay na event at itoy ang special birthday concert ni Yasmien Kurdi.
Inaabot ng ilang oras sa pad ng kapareha ang newcomer at umuuwi lang daw ito pag sinusundo ng ina o kamag-anak. Kasama ng actor sa pad ang kanyang family at baka nakikipag-kuwentuhan lang ito sa kapareha at mga kasama nito sa bahay.