^

PSN Showbiz

Mylene, Andrea, sabak sa matinding halikan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Sino kaya ang tinutukoy ni Diether Ocampo na mga taong naninira sa relasyon nila ni Kristine Hermosa? Nabanggit ito ng actor sa presscon ng Love Spell presents Click na Click at patunay na may problema sa kanila ng actress ay ang kawalan ng plano sa Valentine’s Day.

Nirerespeto ni Diether ang desisyon ni Kristine na alisan ng label ang relasyon nila at maging friends muna sila at muli itong ligawan. Kailangan din nilang i-re-assess kung saan sila nagkamali para magkaroon ng matatag na pundasyon ang kanilang relasyon kung sila’y magkakabalikan na naniniwala kaming mangyayari.

Magiging madali sa kanila ang magkabalikan dahil magkasama sila sa trabaho at sa ipinahayag ni Kristine na magseselos siya pag na-link sa iba si Diether. Saka, minsan nang ipinaglaban ng dalaga ang actor at muli niya itong magagawa dahil sa pag-ibig.

Samantala, magpa-pilot sa ABS-CBN ang Click na Click sa February 4 sa direksyon ni Andoy Ranay. Kasama rin sa cast sina Precious Lara Quigaman, Eda Nola, Joem Bascon, Pooh, Susan Africa, Tim Espinosa at Chokoleit.
* * *
Hindi makapaniwala si Mylene Dizon na sasabihin ni Luis Alandy na may B.O. ang ex-live in partner niyang si Paolo Paraiso dahil magkaibigan ang dalawa.

"Hindi naman at wala siyang B.O," ang reaction ng actress, pero tinapos ang isyu sa statement na "Let them deal with their own at ayaw na niyang makialam."

Muli palang mapapanood ang galing na kontrabida ni Mylene sa Princess Charming na bukas na ang airing sa GMA-7. Sa sobrang pang-aapi niya sa childstar na si Eunice Lagusad, baka satan na ang maging tingin sa kanya ng viewers. Nagbiro tuloy itong dapat dagdagan ang talent fee niya dahil hirap siyang maltratuhin ang bagets.

Natawa pala kami sa sagot ni Mylene kung bakit niya tinanggap ang Rome & Juliet kung saan, may matindi silang kissing scene ni Andrea del Rosario at may shower scene pa kung saan, nagsasabunan sila.

"At least bida ako sa movie dahil sa soap, wala akong pag-asang magbida. Hindi ko alam kung bakit ko tinanggap yun, dahil siguro exciting at ibang challenge. Kahit may takot ako noong una, happy ako after doing that scene dahil nagawa ko ng tama," sagot nito.
* * *
Para sa first anniversary ng Your Song, apat na nakakakilig na episodes ang mapapanood simula sa February 4. Unang handog ang loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa episode na Someday na mula sa kantang "Someday" ni Nina.

Valentine’s Day episode ang With You na hit single ng MYMP at bida sina Heart Evangelista at John Prats. Balik-tambalan nila ito after nilang mag-break four years ago at ang dalaga ang gumawa ng first move para wala silang ilangan at matapos ng maayos ang taping. Tiyak na isa ang episode ng dalawa sa aabangan ng viewers dahil may nakaraan sila.

Ang Carry My Love ni Sarah Geronimo ang theme song at title ng third episode na ang bida ay ang singer-actress din at si Carlo Aquino.

Pang-grand finale ang tambalan nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa episode na ang theme song ay "I Have To Say I Love You in a Song" na sila mismo ang kumanta.
* * *
Tutulungan ng May Trabaho Ka! ng QTV 11 ang Ibarra Party Venue and Catering sa paghahanap ng bagong events specialist. Si Gladys Reyes ang guest judge at pipili kina Betsy, Khat, Ricka, Khai, Jerry at Gina, ang anim na aplikante sa trabaho.

Isasalang sila sa paghahanda sa isang tunay na event at ito’y ang special birthday concert ni Yasmien Kurdi.
* * *
Napagkikitang dumadalaw sa condo unit ng kanyang ka-loveteam ang young actress na ito. Pero, dahil walang inaaming relasyon, ayaw bigyan ng malisya ng mga nakakakita sa dalagang umaakyat sa pad ng kapareha.

Inaabot ng ilang oras sa pad ng kapareha ang newcomer at umuuwi lang daw ito pag sinusundo ng ina o kamag-anak. Kasama ng actor sa pad ang kanyang family at baka nakikipag-kuwentuhan lang ito sa kapareha at mga kasama nito sa bahay.

ANDOY RANAY

CARLO AQUINO

CARRY MY LOVE

CENTER

DAHIL

DIETHER OCAMPO

EDA NOLA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with