Vina, di na itinutulak sa pag-aasawa ng kanyang mga magulang!
January 28, 2007 | 12:00am
Sa kanyang gulang (lyebo tres na siya) at sa tatlong ulit niyang pagkabigo sa pag-ibig, malihim na si Vina Morales sa kanyang lovelife. Kahit anong pilit ng press ay di niya sinabi ang identity ng kanyang latest bf na nagpapasaya ng husto sa kanyang life ngayon.
"Kasama namin siya nang mag-celebrate ako ng aking birthday sa Aman Pulo kamakailan lamang. Siya ang dahilan kaya naging memorable ang celebration ko. It is one of my fondest birthday celebrations.
"Makikita nyo rin siya sa repeat ng aking Vina Morales: Showgirl concert sa Araneta Coliseum sa Feb. 24. Muli, I will dedicate a song to him, tulad nang ginawa ko sa aking naunang concert, kinantahan ko siya ng "Stick With You". Kung magaling kayong maghanap, makikita nyo siya," sabi niya na sa aking palagay ay isa sa tatlong pinaka-magaling na female concert artist ng bansa na masaya ring ikinuwento na tumigil na ang mga magulang niya sa pagtutulak sa kanya para mag-asawa.
Makakasamang muli ni Vina sa repeat ang mga nakasama niya sa naunang concert, director Floy Quintos, choreographer Garcelle Dapat, musical director Butch Miraflor, costume designer Edwin Uy. Pero, ang mga guest niya ay iba na, Ogie Alcasid, Aiai delas Alas, G Force Dancers at XJV International Performing Artists.
Buy kayo ng tiket sa Araneta Box Office at SM ticketnet outlets, o tawag kayo sa 9115555.
Sina Zsazsa Padilla, Toni Gonzaga at Heart Evangelista ang mga kinuhang performers sa Nescafe Classic First Pick Tour na nagsimula na kahapon sa Ayala Center Mall Cebu, tampok si Toni.
Magkakasama naman sina Toni at Zsazsa sa Glorietta Mall sa Peb. 10. Sa final leg ng Tour sa Davao City sa Peb. 17. Si Heart naman ang star attraction.
Isang non-stop musical extravaganza ang lahat ng palabas na tatampukan ng lavish production numbers at rousing vocal performances na susundan ng Nescafe tasting session.
Ang mga maswerteng bibili ng Nescafe Classic na hinaluan na ng anti-oxidants at mabibili sa 50g at 200 jar ay maaring manalo ng mga malalaking premyo.
Si Melissa Ricks ang itinuturing na magiging pinakamahigpit na kalaban ni Olyn Meimban sa puso ni Matt Evans, aka Pedro Penduko at hindi ito sa seryeng ginagawa nila kundi sa tunay na buhay. Balitang nagkakaron na ng selos factor sa kanilang tatlo na kahit pilit na itinatanggi nila ay iba ang pinaniniwalaan ng marami. Lalot totoong may relasyon sina Matt at Olyn pero ang love interest ni Matt sa Pedro Penduko ay ang 17 taong gulang na kabataan na nata-typecast sa mga love triangles ngayon. Ikatlong bahagi rin siya ng love triangle nina Rayver Cruz at Shaina Magdayao sa Rounin.
Talagang patapos na ang Atlantika dahil talagang exciting na ang mga episodes.
Ngayong Lunes, papayag nang pakasal si Amaya (Iza Calzado) kay Piranus (Paolo Contis) para mailigtas lamang ang buhay ni Aquano (Dingdong Dantes) na balak patayin ni Agat (Gardo Versoza) dahil di pa niya alam na tunay niyang anak ito. Akala niya ay si Piranus ang anak niya.
Matuloy kaya ang kasalan? Ito ang dapat abangang sa mga huling araw ng Atlantika ng GMA7.
[email protected]
"Kasama namin siya nang mag-celebrate ako ng aking birthday sa Aman Pulo kamakailan lamang. Siya ang dahilan kaya naging memorable ang celebration ko. It is one of my fondest birthday celebrations.
"Makikita nyo rin siya sa repeat ng aking Vina Morales: Showgirl concert sa Araneta Coliseum sa Feb. 24. Muli, I will dedicate a song to him, tulad nang ginawa ko sa aking naunang concert, kinantahan ko siya ng "Stick With You". Kung magaling kayong maghanap, makikita nyo siya," sabi niya na sa aking palagay ay isa sa tatlong pinaka-magaling na female concert artist ng bansa na masaya ring ikinuwento na tumigil na ang mga magulang niya sa pagtutulak sa kanya para mag-asawa.
Makakasamang muli ni Vina sa repeat ang mga nakasama niya sa naunang concert, director Floy Quintos, choreographer Garcelle Dapat, musical director Butch Miraflor, costume designer Edwin Uy. Pero, ang mga guest niya ay iba na, Ogie Alcasid, Aiai delas Alas, G Force Dancers at XJV International Performing Artists.
Buy kayo ng tiket sa Araneta Box Office at SM ticketnet outlets, o tawag kayo sa 9115555.
Magkakasama naman sina Toni at Zsazsa sa Glorietta Mall sa Peb. 10. Sa final leg ng Tour sa Davao City sa Peb. 17. Si Heart naman ang star attraction.
Isang non-stop musical extravaganza ang lahat ng palabas na tatampukan ng lavish production numbers at rousing vocal performances na susundan ng Nescafe tasting session.
Ang mga maswerteng bibili ng Nescafe Classic na hinaluan na ng anti-oxidants at mabibili sa 50g at 200 jar ay maaring manalo ng mga malalaking premyo.
Ngayong Lunes, papayag nang pakasal si Amaya (Iza Calzado) kay Piranus (Paolo Contis) para mailigtas lamang ang buhay ni Aquano (Dingdong Dantes) na balak patayin ni Agat (Gardo Versoza) dahil di pa niya alam na tunay niyang anak ito. Akala niya ay si Piranus ang anak niya.
Matuloy kaya ang kasalan? Ito ang dapat abangang sa mga huling araw ng Atlantika ng GMA7.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended