Dini-dyeta ang 2 anak na babae, 6 at 8 taong gulang
January 27, 2007 | 12:00am
Akala ko pasayaw-sayaw lang si Regine Tolentino, isang hobby, bagaman at obvious na pinagkakakitaan niya ito. Kaya nagulat pa ako nang malaman ko na nakikipag-kumpitensya na siya. Katunayan, sumali siya sa Dance Sport Competition at nanalo siya kamakailan lamang. Nakatakda itong lumaban sa abroad kasama ang ka-partner niyang si Greg Dimarukot na ani Regine ay "Mas maliit pa ang waistline kesa sa akin."
Pero, hindi ang panalo niya ang dahilan kung bakit siya iginawa ng isang dance video ng Viva kundi ang kahusayan niya sa pagsasayaw. Third dance video na niya ito na ang unang dalawa ay naging lubhang matagumpay kung kaya itinuturing siyang hottest selling instructional video artist ng bansa, earning her the dance diva title.
Dance Latina: Shape Up with Rumba, Samba & Cha Cha Cha ang titulo ng kanyang 3rd dance video na nagbibigay ng kasiguruhan sa sinumang gagamit nito na matututo silang sumayaw ng 3 Latin dances na nasa video. Bukod kay Regine, nasa video rin ang World Dance Sport Champion na si Edna Ledesma at isa sa mga judges ng palabas sa TV na Shall We Dance. Direktor ng video si Paul Basilio, isang advertising hot shot.
Sa video, hindi mo aakalain na mayron nang dalawang anak si Regine na may edad 6 at 8 taong gulang na ayon sa kanya ay gustung-gustong isinusuot ang mga damit niya.
Ngayon pa lamang ay tinuturuan na niya silang magsayaw pero dahil mga bata pa, hindi pa sila concentrated.
"Dini-dyeta ko na rin sila dahil matataba sila pero, di ko binabawasan ang pagkain nila. Instead, I give them healthy food, no rice, healthy carbs, more sleep and more milk," ani Regine who admits na okay na ang marriage nila ni Lander Vera Perez.
"Nag-mature na kami at may conscious effort for both of us to be good," pagmamalaki niya.
May spiritual revolution na nagaganap sa Diocese of Lucena sa pamamagitan ng masipag na tandem nina Rev. Frs. Joseph (Joey) A. Faller at Angelo (Angie) D. Jaballa, ang tinaguriang Mutt & Jeff of Catholic Faith.
Matapos ang matagumpay na Misa de Gallo sa Lukban na napanood sa RPN9, isang special TV presentation ng Mahal na Araw at ang ritwal nito ang muling magaganap sa Abril 5,6,7 at 8.
Pinamagatang Semana Santa sa Timog Katagalugan, ihahandog ng Kamay ni Hesus Healing Church sa Huwebes Santo ang Paghuhugas ng mga Paa, ang Panimula ng Banal na Misa o Eukaristiya, 7-8NG.
Sa halip na 7 Huling Wika, sa Biyernes Santo, gaganapin ang mga Pira-Pirasong Yugto sa Pasyon ng Mahal na Poong Hesus, 12NT-3NH sa pamamagitan ng anim na pari na pamumunuan ni Most. Rev., Emilio. Marquez, DD, Bishop of Lucena.
Mula 7NG-8NG, sa Sabado de Gloria, mapapanood ang Hakbang ni Hesus Patungong Kalbaryo with Via Dolorosa, Grotto of Healing and Way of Purification.
Kagigiliwan nyong panoorin ang Salubong sa Bayang Pinagpala. ang pagsasadula ng pagkikita ni Birhen Maria at ng kanyang anak na si Hesus sa Linggo ng Pagkabuhay, 5-6:30 NU.
E-mail: [email protected]
Pero, hindi ang panalo niya ang dahilan kung bakit siya iginawa ng isang dance video ng Viva kundi ang kahusayan niya sa pagsasayaw. Third dance video na niya ito na ang unang dalawa ay naging lubhang matagumpay kung kaya itinuturing siyang hottest selling instructional video artist ng bansa, earning her the dance diva title.
Dance Latina: Shape Up with Rumba, Samba & Cha Cha Cha ang titulo ng kanyang 3rd dance video na nagbibigay ng kasiguruhan sa sinumang gagamit nito na matututo silang sumayaw ng 3 Latin dances na nasa video. Bukod kay Regine, nasa video rin ang World Dance Sport Champion na si Edna Ledesma at isa sa mga judges ng palabas sa TV na Shall We Dance. Direktor ng video si Paul Basilio, isang advertising hot shot.
Sa video, hindi mo aakalain na mayron nang dalawang anak si Regine na may edad 6 at 8 taong gulang na ayon sa kanya ay gustung-gustong isinusuot ang mga damit niya.
Ngayon pa lamang ay tinuturuan na niya silang magsayaw pero dahil mga bata pa, hindi pa sila concentrated.
"Dini-dyeta ko na rin sila dahil matataba sila pero, di ko binabawasan ang pagkain nila. Instead, I give them healthy food, no rice, healthy carbs, more sleep and more milk," ani Regine who admits na okay na ang marriage nila ni Lander Vera Perez.
"Nag-mature na kami at may conscious effort for both of us to be good," pagmamalaki niya.
Matapos ang matagumpay na Misa de Gallo sa Lukban na napanood sa RPN9, isang special TV presentation ng Mahal na Araw at ang ritwal nito ang muling magaganap sa Abril 5,6,7 at 8.
Pinamagatang Semana Santa sa Timog Katagalugan, ihahandog ng Kamay ni Hesus Healing Church sa Huwebes Santo ang Paghuhugas ng mga Paa, ang Panimula ng Banal na Misa o Eukaristiya, 7-8NG.
Sa halip na 7 Huling Wika, sa Biyernes Santo, gaganapin ang mga Pira-Pirasong Yugto sa Pasyon ng Mahal na Poong Hesus, 12NT-3NH sa pamamagitan ng anim na pari na pamumunuan ni Most. Rev., Emilio. Marquez, DD, Bishop of Lucena.
Mula 7NG-8NG, sa Sabado de Gloria, mapapanood ang Hakbang ni Hesus Patungong Kalbaryo with Via Dolorosa, Grotto of Healing and Way of Purification.
Kagigiliwan nyong panoorin ang Salubong sa Bayang Pinagpala. ang pagsasadula ng pagkikita ni Birhen Maria at ng kanyang anak na si Hesus sa Linggo ng Pagkabuhay, 5-6:30 NU.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended