Hindi tibo si Yeng!
January 26, 2007 | 12:00am
Isa sa mga klinaro ni Yeng Constantino sa launching ng kanyang 10-track "Salamat" album under Dream Big Productions at Star Records ay ang maling paniniwala ng marami na isa siyang tomboy, tibo o lesbyana.
"Hindi ako tomboy kahit madalas ang mga kasama ko ay mga lalaki nung akoy nag-aaral pa at maging nung mag-banda ako," bungad ng Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy.
"Hindi pa ako nai-in love sa kapwa ko babae," dagdag pa ng magandang singer/composer na pito sa mga awitin sa album ay kanyang orihinal na komposisyon. Binigyan niya rin ng sarili niyang bersyon ang OPM classic na "Bulag, Pipi at Bingi" at ang theme song ng Asianovelang Princess Hours, ang "If We Fall In Love".
Isang magandang ehemplo si Yeng sa mga kaedad niya na mayron ding pangarap ng katulad ng sa kanya.
Ang kanyang ama ay isang assistant librarian sa Ateneo at ang kanyang ina naman ay may tindahan pero mas marami ang nangungutang dito kesa sa nagbabayad kung kaya kinakailangan pang pirming mag-loan ng kanyang ama para makakuha ng muling mapupuhunan sa kanilang tindahan.
Nakatapos ng high school si Yeng at ngayong may pera na siya at pwede nang bumalik ng iskwela para sana ay kumuha ng MassCom o Music pero hindi niya magawa dahil sa kanyang kaabalahan.
Ang album na "Salamat" ay isang pagbabalik-tanaw sa mga pinagdaanan niya sa PDA na kung saan ang lahat ng inawit niya ay sumikat ng husto, tulad ng "Hawak Kamay", "Pangarap" at ang carrier single ng album na "Salamat". At isa ring pagsilip sa magandang kinabukasan niya sa recording industry.
Season 14 na ng Daisy Siete na sa bagong episode na Siete-Siete, Mano-Mano ay si Jopay Paguia ang bibigyan ng pinaka-malaking importansya, siya ang bida!
Katulad nung mga nakaraang season na kung saan ay pinag-ningning si Rochelle Pangilinan, inaasahan na makukuha rin ni Jopay ang popularidad at pagkilala sa kanyang kakayahang umarte sa Season 14 ng DS.
Kwento ng isang laos na boksingero na gustong maipagpatuloy ng kanyang anak na lalaki ang kanyang passion sa pagboboksing. Ang hindi niya alam ay bakla ang kanyang anak at ang nagmana ng kanyang pagka-boksingero ay ang kanyang anak na babae.
Nakakabilib na pumayag si Rochelle na maging nanay ni Jopay sa serye, kaya lang maaga siyang pinatay sa serye. Anak niya sa ibang lalaki si Jopay, dahilan kung kayat sapul pagkabata nito ay pinagmalupitan na siya ng kanyang kinikilalang ama.
Syempre, kasama ang buong tropa ng Sexbomb, plus William Martinez na gumaganap ng ama ni Jopay.
[email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended