Naramdaman niya na apektado ang dalawang lalaki sa kanilang eksena. Nadadala nila siya. Sa kalaunan ay nawala rin ito, nagawa nila ang mga eksena nilang halikan nang walang nakakaramdam ng anumang pagkabalisa at ang kawalan nila ng saplot sa katawan ay hindi na rin nagbigay sa kanila ng problema.
Eighteen na ngayon si Mara kaya mas okay na sa mga maiinit nilang eksena sa Troika.
"Hindi na ako nahihiya, nakatulong siguro yung pagkakaron ko ng karanasan sa buhay," paliwanag ni Mara na katatapos lamang mag-aral ng high school bagaman at inamin niyang hindi siya pinayagan ng kanyang parents nang magpaalam siya para gawin ang Troika.
Unang gumawa ito ng song para kay Rachelle Ann sa "I Care" album nito. Sa kanya yung hit single na "If You Walk Away". Masyado itong na-impressed kay Rachelle kaya nagpasyang isang buong album na ang gawin niya na nakatakda ring ipamahagi sa abroad.
Ang lumabas ay ito ngang "Obsession" na may 13 originals na bigay ng mga songwriters from Europe, US at Philippines. Magkahalong Latin at Euro ang tunog ng album na nagbigay ng maturity kay Rachelle Ann, tulad ng "Dont Say Goodbye", "And Me and You", "Alam Ng Ating Mga Puso", "This Must Be Love", "Come One Day", "I Will Always Love You Anyway", "Walk Into My Life", "And You Love Me", "My Forever Love" at marami pang iba.
Bukod sa kanyang Valentine concert with Christian Bautista sa Feb. 13 sa Aliw Theater, (You and Me), mapapanood si Rachelle Ann sa SM Clark, (Peb. 18), SM Lipa (Peb. 24), SM Dasmariñas (Peb. 25), SM Molino (Mar. 3), SM Batangas (Mar. 4), SM Lucena (Mar. 10) at SM Baguio (Mar. 17). Aawitin niya rito ang mga cuts from "Obsession".