Luis Alandy, ligtas sa demanda ni Kat Alano!

Dahil sa grabeng pamemeke sa deputy card, naglagay na ng additional security ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Kaya nga up to March pa maghihintay ang mga deputy para sa kanilang bagong card.

For the meantime, kung gusto nilang manood ng sine (deputies), kailangan muna nilang magbayad.

Eh kasi naman, lahat na lang yata na puwedeng gawin ng mga taong manloloko, naiisip nila. Pati ang card na may signature ni MTRCB Chairman Consoliza Laguardia, nagagawa nilang kopyahin para lang makapanood ng sine ng libre.

Eh kasi naman meron din tayong mga kababayan na tino-tolerate ang ganitong sistema. Kung walang bibili ng mga pekeng MTRCB card, siguradong walang maglalakas ng loob na mameke.

Pairalin na lang sana ng mga namemeke at ng mga nagpa-patronize ng pekeng MTRCB card ang konsensiya.

Kaya ba ng konsensiya n’yo na manood ng sine na fake ang ginamit n’yong MTRCB card? Alam n’yo na ngang kailangan ng tulong ng movie industry, nagagawa n’yo pang maki-ride sa kalokohan ng ibang tao.

Hay…
* * *
At home na at home sa gym ang isang veteran actor. And why not! Wala siyang care pag nasa locker room siya.

As in palakad-lakad daw ng naked after nitong mag-shower. Wala naman daw malisya ang ginagawa ng actor pero, iba ang malisyang nararamdaman ng mga bading na nasa gym.

"Eh kasi naman matanda na ateng. Parang wala na kaming interes na tingnan. Pero sayang din kaya tinitingnan na rin namin. He he he! Saka wala kaming choice dahil palakad-lakad lang naman siya sa locker," tsismis ng isang bading na madalas makasabay ang veteran actor sa gym.

Dialogue tuloy ng bading "Bahay niya ba ‘to at wala siyang care?"

Na-gets n’yo na ba? Well kung hindi pa, another clue. Meron siyang anak na artista rin.
* * *
Poor Luis Alandy. Sayang siya. Noon akala ko hindi siya makiki-level sa ibang artista na ‘di nag-iisip, pero anong nangyari? Ayan tuloy, after niyang magpa-interview sa isang radio show na hindi ko pa napapakinggan, here he is, nagso-sorry sa kanyang mga sinabi.

Last Sunday, nagpa-interview siya sa S-Files para mag-apologize kay Kat Alano na sinabi niyang nakasiping niya sa nasabing interview. Nang hingan siya ng message ni Richard Gomez last Sunday afternoon: "I ask for an apology" na ilang beses niyang inulit.

Marami palang nakapuna dahil siya na nga ang naga-apologize, nag-ask pa siya ng apology. "Di ba dapat I apologize?" say ng isang nanood ng S Files.

Well…

Anyway, hindi na makakatikim ng demanda si Luis kay Kat dahil sa nasabi nitong public apology kahapon.

Say ni Kat when I called her yesterday na she’s not the type of person na hindi marunong magpatawad and unreasonable not to accept Luis’ public apology. "I acknowledged his public apology," Kat said.

Dating friends sina Kat and Luis before the latter said na naka-share niya sa bed si Kat.

Sasampahan sana ng kasong oral defamation and libel si Luis ni Kat.

Show comments