Sa kabilang banda, sinabi ng aktres na magkasama pa rin sila ni Paolo sa isang bahay dahil gusto niyang makita ng anak nila, si Tomas na magkasama silang dalawa. Katunayan, kung magkakaanak uli si Mylene, gusto niyang si Paolo pa rin ang magiging tatay nito.
Maganda ang career ngayon ng aktres dahil after Captain Barbell, kasama uli ito sa Princess Charming kung saan siya ang mag-aalaga sa dalawang bata. May pagkakontrabida na naman ang papel na gagampanan nito.
Tinanong namin nang maging guest ito sa ETC affair ng Solar kung bakit sila nagkahiwalay ni Sunshine.
"Bastat nagkalamigan na lang kami pero, talagang love ko siya noon. Ngayon ay may girlfriend akong non-showbiz. Umaasa ako na sanay magkaroon ako ng pelikula at matulungan ng aking manager para matupad ang aking pangarap sa buhay," aniya.
Mabuti na lang at mayroon siyang soap opera kung saan balik-Bakekang siya. Nakapagpahinga ito kaya nagmukhang bata ngayon.
Patindi nang patindi ang mga eksena sa Bakekang kaya consistent ito sa mataas na rating.