At bakit naman kasi hindi pa nadala ang mga artista sa mga patibong nito na nag-guest sa show ni DJ Mo?
Hanggang may pumapayag na artista na mag-guest sa show nito ay magpapatuloy at magpapatuloy pa rin ang ganitong sistema na si DJ Mo lang naman ang nakikinabang.
Siyempre, kapag may artistang pumapatol sa show nito, wala talagang mangyayari sa mga protesta kay DJ Mo, lalo lang itong magyayabang.
Hayyyyyyy pag-ibig nga naman.
Bakit naman kasi si Mark bigla pang umeksena kina Jennylyn at Patrick? Bakit mahal pa ba niya si Jennylyn? Kung bakit kasi hindi niya inalagaan ang relasyon nila noon. Lumingon pa siya sa iba. Ayan tuloy ang nangyari.
Ang haba naman ng buhok ni Jennylyn, biruin mo dalawang gwapings ang nag-aaway sa kanya. Sino ba ang dapat bigyan ng pansin ng young actress - ang nagbabalik na si Mark o si Patrick na bagong yugto ng kanyang buhay?
Pero kayong mga boys, easy-easy lang.
Nandiyan ang show ni Ara Mina. Sold out na rin ang tickets para sa concert nina Sam Milby at Piolo Pascual para sa dalawang gabing pagtatanghal nila. Meron ding concert ang mag-sweethearts na Christian Bautista at Rachelle Ann Go. May repeat concert naman sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos. Ganundin si Vina Morales na may repeat performance ng kanyang Showgirl. Hindi rin nagpahuli si Mega star Sharon Cuneta. Kaya dapat pag-isipan ng mga magdi-date kung saan magkakasya ang kanilang budget ngayong Valentines Day.
Sayang at marami akong mami-miss na show dahil pupunta ako sa US sa Feb 18. Naimbitahan akong magninong sa kasal doon, pero one week lang naman ang itatagal ko sa Amerika.
Salamat naman at makikisaya sa atin sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Megastar Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, ang mga contenders ng Pinoy Pop Superstar at marami pang ibang sorpresa.
Abangan nyo po ang dalawang Sabadong (Feb 3 & 10) selebrasyon ng anibersaryo ng show.