Nabasa namin ang isang text message ni Jennylyn kay Mark yung sinabi nitong tinanong ni Patrick Garcia ang address niya (ni Mark) at nagtanong pa kung ibibigay niya? Kasama sa message ang "Kaya handa mo na sarili mo ha! Ingat ka lagi." Naka-save ang message na yun sa cellphone ni Mark at puwedeng basahin.
Nabanggit din ni Mark na wala siyang balak sirain ang relasyon nina Jen at Patrick. Ang ikinainis lang daw niyay ang pag-epal (papel) ni Patrick. "Bakit ume-epal siya sa away naming personal ni Jennylyn?"
Sa January 29 na eere ang Princess Charming sa Dramarama Sa Hapon slot ng GMA-7. Marami pang malalaman ang press kay Mark sa presscon ng show na kundi kami nagkakamaliy this week na. Puwede ring walang presscon para makaiwas ang actor ng dagdag na kontrobersya.
Inamin din daw ni Katrina kay Jennylyn na may MU na sila ni Mark. Heto pa, galit daw si Mark kay Katrina dahil idini-deny ang kanilang relasyon. O, di ba controversial ang mga tanong? Sa interview sa kanya, four times umiyak ang una and for sure, kung naitanong namin sa kanya ang nabanggit naming isyu, baka 10 times siyang umiyak.
Anyway, nag-deny si Katrina na nagsumbong sa kanya si Jennylyn dahil hindi sila nagkakausap at last time silang nag-usap was two weeks ago. Itinanggi rin nitong may MU sila ni Mark. Hindi kaya ang ending nito, sila ni Jennylyn ang mag-away dahil lumalabas na nagsinungaling ito nang sabihing nagkausap sila?
Samantala, ayaw ding ipaalam ni Katrina kung ano ang mangyayari kay Ruana (character niya sa Atlantika) sa nalalapit nitong ending sa February 9. Hindi ito nag-iisip sa susunod niyang project dahil kasama siya sa Lupin III na bida si Richard Gutierrez.
Grade five si John nang umere ang Flordeluna na bida si Janice de Belen na di niya alam ay magiging wife niya. Sa pagbabalik nito sa ere, siya naman ang kasama sa cast and for sure, di siya panonoorin ng kanyang ex-wife.
Nabanggit ni John na kinukuha ng ABS-CBN ang second daughter nila ni Janice na si Moira to play Maria Flordeluna. Hindi lang natuloy dahil 13 years old na ang anak at 11 y/o ang hinahanap at bumagay yun kay Eliza Pineda.
Kinonsider din ang youngest daughter nilang si Kaila na umayaw dahil natakot at di nila pinilit. Lalong di puwede si Inah (their eldest) dahil 15 y/o na ito at pinatigil na nila ni Janice sa paglabas sa TV para mag-concentrate sa pag-aaral.