Matagal na raw close ang nasabing composer sa kanyang dating estudyante at naging item pa sila noon sa campus.
May insinuation ang kuwento ng isang friend ko pero parang doubtful kasi may pamilya si Mr. Composer.
No more clues, masyado nang given ang identity ng composer.
"Pero talagang nag-effort si Mr. Composer na bisitahin ang kanyang favorite student noon," nakangiting kuwento ng source.
Ang kuwento, nang sumali raw sa scriptwriting ang original writer ng pelikula na si Mary Ann Bautista na ka-partner niya noon sa pagsusulat hiningan siya nito ng title.
One time daw, tinanong siya ni Mary Ann kung anong magandang title sa sinusulat niyang script na gagawin niyang entry sa isang scriptwriting contest.
That time, sa isang kilalang advertising agency pa nagwo-work si Ricky.
Pagtawag daw sa kanya ni Mary Ann sinabi na sa kanya kung anong kuwento. "Sabi ko sa kanya, tawagan niya uli ako after 30 minutes. Mag-iisip muna ako," he recalled nang maka-tsika ko nong minsan sa gym.
After 30 minutes, tumawag uli si Mary Ann at doon na niya nasabi ang title na Kasal, Kasali, Kasalo.
Iba pa ang original story nito nang manalo sa isang scriptwriting contest. After Mary Ann won nga raw, binibigyan siya ng P5,000 dahil siya nga ang nagbigay ng title. "Hindi ko tinanggap kasi parang kailangan niya non ng money," he continued.
Naibenta ni Mary Ann ang kuwento sa Star Cinema several years ago. Pero hindi agad ito ginawang pelikula.
To make the long story short, na-revise ang buong script as in majority rito ay iba na sa original story though andun pa rin ang original idea ni Mary Ann. And obviously, ang title na si Ricky ang nakaisip ay na-retain.
"Happy lang ako kasi super successful ang pelikula," sabi ni Ricky. Nagkuwento lang siya tungkol sa title ng pelikula nila Juday na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin at palabas sa selected theaters sa Metro Manila.