^

PSN Showbiz

Composer dinayo ang favorite ‘student’ sa Spain

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Katawa ang kuwento tungkol sa isang kilalang composer na nagpunta sa Spain kamakailan para sa ginawa niyang kanta for a foreign singer na nag-record ng Tagalog songs para sa new album ng nasabing foreign singer. Ang kuwento, nag-drive pa raw ang nasabing composer ng four hours para lang bisitahin ang kanyang favorite student na naka-base na sa Spain.

Matagal na raw close ang nasabing composer sa kanyang dating estudyante at naging item pa sila noon sa campus.

May insinuation ang kuwento ng isang friend ko pero parang doubtful kasi may pamilya si Mr. Composer.

No more clues, masyado nang given ang identity ng composer.

"Pero talagang nag-effort si Mr. Composer na bisitahin ang kanyang favorite student noon," nakangiting kuwento ng source.
* * *
Ang katoto palang si Ricky Gallardo ang nagbigay ng original title ng topgrosser sa Metro Manila Film Festival starring Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo. Actually, hindi siya naghahabol. Natutuwa lang si Ricky dahil sobrang kumita ang pelikula.

Ang kuwento, nang sumali raw sa scriptwriting ang original writer ng pelikula na si Mary Ann Bautista na ka-partner niya noon sa pagsusulat hiningan siya nito ng title.

One time daw, tinanong siya ni Mary Ann kung anong magandang title sa sinusulat niyang script na gagawin niyang entry sa isang scriptwriting contest.

That time, sa isang kilalang advertising agency pa nagwo-work si Ricky.

Pagtawag daw sa kanya ni Mary Ann sinabi na sa kanya kung anong kuwento. "Sabi ko sa kanya, tawagan niya uli ako after 30 minutes. Mag-iisip muna ako," he recalled nang maka-tsika ko no’ng minsan sa gym.

After 30 minutes, tumawag uli si Mary Ann at doon na niya nasabi ang title na Kasal, Kasali, Kasalo.

Iba pa ang original story nito nang manalo sa isang scriptwriting contest. After Mary Ann won nga raw, binibigyan siya ng P5,000 dahil siya nga ang nagbigay ng title. "Hindi ko tinanggap kasi parang kailangan niya no’n ng money," he continued.

Naibenta ni Mary Ann ang kuwento sa Star Cinema several years ago. Pero hindi agad ito ginawang pelikula.

To make the long story short, na-revise ang buong script as in majority rito ay iba na sa original story though andun pa rin ang original idea ni Mary Ann. And obviously, ang title na si Ricky ang nakaisip ay na-retain.

"Happy lang ako kasi super successful ang pelikula," sabi ni Ricky. Nagkuwento lang siya tungkol sa title ng pelikula nila Juday na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin at palabas sa selected theaters sa Metro Manila.

AFTER MARY ANN

ANN

JUDY ANN SANTOS AND RYAN AGONCILLO

KUWENTO

MARY

MARY ANN

MARY ANN BAUTISTA

MR. COMPOSER

RICKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with