Hindi pa rin matukoy ni Boyet kung vice-governor o congressman ang tatakbuhang posisyon at may nagsabi pang mayoralty post ang kanyang gusto. Pero, malamang na paka-congressman ang tanggapin niya dahil mas makakatulong siya sa mga taga-Batangas.
Hindi problema ang residency ni Boyet dahil matagal na siyang register voter sa Lobo, Batangas at okey ang papers niya. Kapag nakapag-desisyon na, mag-aaral siya bilang paghahanda at hindi lang crash course ang kukunin kundi, tuluy-tuloy na pag-aaral.
Tatalikuran ba niya ang showbiz pag nasa pulitika na siya?
"I dont think so. Showbiz is my life and my first love at puwede akong mag-allot ng days for shootings and tapings. Noble job ko ito and Im paid well at kaya kong pagsabayin."
Kasama rin sa pinag-aaralan ni Boyet ay kung anong political party ang malinaw ang offer sa kanya. To date, kinausap na siya ng UNO, Aksyong Demokratiko, Liberal Party (Mayor Lito Atienza wing) at may feelers ang Lakas. Desisyon na lang niya ang hinihintay at baka sa susunod namin siyang ma-interview, nakapag-file na siya ng candidacy.
Sa launching pala ng Circulan 4-in-1 namin nakausap si Boyet. Kasama niya sa pag-i-endorse sa health supplement sina Joyce Jimenez and Luis Manzano.
Kapana-panabik ang mga susunod na episode habang nalalapit ang wakas nito at di raw dapat palagpasin.
Walang mabanggit na next project si Dingdong after the fantaserye, pero di siya mami-miss ng viewers dahil host siya ng Starstruck 4 The Next Level at nasa SOP pa rin siya. Tiyak din na maggi-guest siya sa ibat ibang show ng network.
Ang gumanap na kontrabida ang dream role ni Dingdong at sana nga, bigyan siya ng chance ng Ch. 7 ng mga bad guy role para iba ang mapanood sa kanya. At his age, ripe na ang actor to play more mature and challenging roles.
Ang maganda lang sa pagtatapos ng Atlantika, makakapag-travel na si Dingdong. Excited na nga ito sa Japan show ng SOP sa last week ng March o first week ng April. Excited itot ngayon lang uli sila magkakasama ni Karylle sa ibang bansa at matataon pa sa second anniversary nila.
Hindi pa yata makondisyon ni Angelika ang sarili na maging ina kay Maja na at 18 years old ay six years lang ang kabataan sa kanya. Pero, naniniwala kaming tatanggapin din nito ang soap ng ABS-CBN dahil role ni Vilma Santos sa movie ang kanyang gagampanan. Saka, mareremedyuhan ng make-up ang kanyang hitsura para palabasing mas matanda siya sa kanyang edad.
Habang nag-iisip pa si Angelika, uunahin niyang gawin ang Lastikman as Vhong Navarros leading lady. Sa February na ang start ng taping nila at kung tama ang sabi ni Vhong, sa March naman ang airing nito.
Ginawa ito ng GMA-7 para mas maintindihan ng mga di nakapanood sa first at second episodes at para mas maintindihan ang istorya nina Elias (Robin) at Gabriela (Angel). NITZ MIRALLES