Bukod sa nakasanayan na niyang trabaho, inamin ng seksing aktres na mami-miss niya ang kulitan nila sa taping nina Iza Calzado at Isabel Oli.
"At kahit tuwing taping ay ninenerbyos ako, dahil baka magkamali ako sa instructions ng director at mapahiya ako sa mga co-actors ko, mami-miss ko ng husto ang Atlantika kapag nagtapos na ito," dagdag pa ni Katrina na kailan lamang ay nakipag-dinner kay Mother Lily Monteverde na nagsabi sa kanya na happy ito sa naging resulta ng kanyang launching movie sa Regal, ang Gigil.
Itinanggi rin ni Katrina, sabay tulo ng kanyang luha (iyakin siya, hwag lang makanti, tumutulo na ang luha niya) na mayron silang relasyon ni Mark Herras, bukod sa pagiging magkaibigan. "Magkaibigan lang talaga kami. Di niya ako nililigawan. Gusto ko namang makaranas na nililigawan ako at hindi ko ito naramdaman kay Mark. At saka kapag may nanligaw sa akin ay magpapa-hard to get ako," sabi pa niya.
Ayon sa Sundance, kinuha nila si Jolens dahilan sa malinis at magandang image nito. Bilib din sila sa fashion sense nito at isang magandang role model ito ng mga kabataan.
Naglabas na ang GMA Records Home Video ng pelikulang I Wanna Be Happy ng Seiko Film starring Eddie Garcia, Gloria Romero, Joey Marquez, Cherry Pie Picache, Diana Zubiri, Alfred Vargas, Christian Vasquez at marami pang iba. Tungkol sa isang pamilya na ang mga magulang ay magsi-celebrate na ng kanilang golden wedding anniversary pero, bago dumating ito ay nagpasya ang mga ito na maghiwalay.
Panoorin ang nakatutuwang kwento ng pamilya Domingo na dinirek ni Jose Javier Reyes.