Nakakaisang taon na sina Christian at Rachelle Ann

Tiyak na marami pa ang nakakaalala sa singer na si Joanne Lorenzana na siyang nagpasikat noon ng awiting "I’ll Never Let You Go" at iba pang awitin.

Taong 2001 nang mag-migrate si Joanne sa Amerika at hindi naman siya nagsisisi dahil bukod sa nakatagpo siya ng magandang trabaho roon, sa Amerika rin niya nakita ang kanyang mister ngayon na si Brant Bowler.

Although sumailalim na sina Joanne at Brant ng civil wedding, nag-desisyon ang mag-asawa na muling magpakasal (Christian wedding) dito sa Pilipinas para naman makadalo ang iba pang mga kamag-anak at mga kaibigan na hindi nakasaksi sa kanilang civil wedding sa Amerika.

Ang Christian garden wedding nina Joanne at Brant ay ginanap sa Patio Victoria Gardens sa Intramuros, Manila nung nakaraang linggo, Enero 14, 6NG.

Isa si Jose Mari Chan sa mga tumayong ninong ng mag-asawa at nagpaunlak pa ito ng awitin, ganundin ang mga kapwa singers at longtime friends ni Joanne na sina Jamie Rivera, Gino Padilla, Carlo Orosa, Audie Gemora, Judith Banal at Ruben Laurente (ng The Company).

Dumalo rin sa nasabing okasyon ang isa pang close friend ni Joanne, ang dating First Daughter at ex-wife ni Lloyd Samartino na si Jo Ramos.

Ang mga tumayong sponsors ay sina Jose Mari Chan at Mrs. Gloria Sunico, Mr. Fraid Schoucair at Mrs. Deonna Tanchi at G. Orly Ilacad (na hindi nakarating), Mr. Edgar Lee Rodriguez at Mrs. Betty Abaya.
* * *
Bukod sa kanilang regular stint sa ASAP, ang magkasintahang Rachelle Ann Go at Christian Bautista ay madalas na magkasama sa mga shows and concerts hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa kaya hindi kataka-taka na sila’y nagkadebelopan.

Hindi kaila sa marami na nanligaw din kay Rachelle ang kasamahan nila sa ASAP na si Mark Bautista at kung hindi kami nagkakamali, nagpakita rin ng interes sina Erik Santos at Jed Madela pero si Christian ang pinaboran ng singing champ.

Sa darating na Pebrero 24 ay isi-celebrate na ng mag-sweetheart ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan. Pero bago ang kanilang first anniversary, magkakasama muna sila sa isang pre-Valentine concert sa Aliw Theater sa darating na February 13 na pinamagatang You and Me na magiging prelude sa kanilang world concert tour sa taong ito.

Ang You and Me Valentine concert ng singing sweethearts ay produced ng ASAP Live, ang live concert production at maging ang record production sa pamamagitan ng ASAP Music Label . - Aster A. Amoyo

Show comments