Isabel, parang gusto nang i-give up si Paolo!
January 19, 2007 | 12:00am
Sa Pebrero, isang taon na rin ang relasyon nina Paolo Contis at Isabel Oli na nagsimula lamang nang magkasama sila sa seryeng Sugo at nagtuluy-tuloy na sa Love To Love. At swerte naman na sa loob ng isang taon ay wala silang naging grabeng away.
"Minsan lang sa sobrang pagbiro niya ay gusto ko na siyang i-give up," sabi ni Isabel sabay bawi at sinabing nagbibiro lang siya.
"Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil sobrang sweet niya. At honest siya, lahat ng nangyari sa buhay niya nung hindi pa kami ay ikinuwento niyang lahat sa akin," pagmamalaki ni Isabel na ang buong pamilya ay umuwi galing abroad at dito nag-celebrate ng Christmas.
"Sa bahay lang kami, hindi kami lumabas. Paolo proved to be a very good host. Love nila siya," dagdag pa ng magandang aktres na umaming nahirapan siya nung una sa mga underwater scenes niya sa Atlantika.
"Umiyak ako sa takot nang pumunta kami ng mga 20 feet underwater and I saw a baby octopus.
"Akala nila kasi okay na ako dahil nasanay ako sa pool. Iba pala kapag nasa dagat na, madilim. Naintindihan naman ako ng production, hindi na nila itinuloy ang eksena ko, dinaya na lamang," kwento pa ni Isabel na nakakaramdam na ng lungkot dahil malapit nang magtapos ang Atlantika. Nasa huling yugto na sila ng kanilang taping pero hanggang ngayon, di pa nila alam na lahat kung paano magwawakas ang serye.
May isang galit na galit na email sender na nagngangalang Sucaldito Jobert ang nagpadala ng text sa akin na ang nilalaman ay puro mura dahilan lamang sa nag-publish ako ng press release ni Mocha na nagsasabing maganda ang takbo ng career nito sa Doha, Qatar.
Obviously, hindi siya naniniwala sa nakalagay sa press release kaya siya nagalit at sinabihang bayaran ako ni Mocha na hindi ko pa nakikilalat nai-interview pero, inilagay ko ang news tungkol sa kanya dahil maganda ang isinasaad tungkol sa isang Pinay na gumagawa ng pangalan sa isang banyagang bansa.
Tinawagan ko si kapatid na Jobert Sucaldito dahil email add niya ang ginamit at pinasinungalingan niya na may alam siya tungkol dito. Sinabi lamang niya na may gumagamit ng email add niya at nagbigay siya ng pangalan ng tatlong tao na pwedeng gumawa nito.
Marami ang nagtatanong at interesadong makakuha ng kopya ng Michael V: The Bubble G Anthology simula nang makita nilat marinig ito sa SOP nung Disyembre.
Sumasakit ang tiyan ng lahat nang nakakapanood dito lalo na bilang Tom Yam sa awiting "Hindi Ako Bakla" , "Wag Na Wag" bilang si Kitchie Na Day, "Mamaw." spoof ng "Narda" ng Kamikazee, at marami pang iba. Special guests sa video ang mga kasamahan niya sa Bubble Gang.
Nabigyan na ang album ng National Breakout Award mula sa Paragon Music Corp. at Special Sales Award dahil bumenta ito ng 15,000 units sa loob lamang ng 2 linggo.
Inilabas na ito ng GMA Records sa DVD format at may kasama pang bonus na CD.
Ang daming Valentine concerts. Sana lamang ay kumitang lahat ang mga ito para naman maging maganda ang Valentines Day ng mga lalabas dito.
Maganda sanang makapanood ng kahit isa pero, ang problema, alin kaya sa mga naka-sked na concerts ang lalabas na pinakamaganda at worth ng ibabayad ang mga manonood? Mabuti na lamang at karamihan sa mga concerts ay pawang tinatampukan ng local artists. Dati kasi foreign acts dominated the scene na nakaapekto ng malaki sa mga local artists.
Buti naman at mga local artists ang maglalaban-laban ngayong Valentine. At least Pinoy ang makikinabang.
[email protected]
"Minsan lang sa sobrang pagbiro niya ay gusto ko na siyang i-give up," sabi ni Isabel sabay bawi at sinabing nagbibiro lang siya.
"Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil sobrang sweet niya. At honest siya, lahat ng nangyari sa buhay niya nung hindi pa kami ay ikinuwento niyang lahat sa akin," pagmamalaki ni Isabel na ang buong pamilya ay umuwi galing abroad at dito nag-celebrate ng Christmas.
"Sa bahay lang kami, hindi kami lumabas. Paolo proved to be a very good host. Love nila siya," dagdag pa ng magandang aktres na umaming nahirapan siya nung una sa mga underwater scenes niya sa Atlantika.
"Umiyak ako sa takot nang pumunta kami ng mga 20 feet underwater and I saw a baby octopus.
"Akala nila kasi okay na ako dahil nasanay ako sa pool. Iba pala kapag nasa dagat na, madilim. Naintindihan naman ako ng production, hindi na nila itinuloy ang eksena ko, dinaya na lamang," kwento pa ni Isabel na nakakaramdam na ng lungkot dahil malapit nang magtapos ang Atlantika. Nasa huling yugto na sila ng kanilang taping pero hanggang ngayon, di pa nila alam na lahat kung paano magwawakas ang serye.
Obviously, hindi siya naniniwala sa nakalagay sa press release kaya siya nagalit at sinabihang bayaran ako ni Mocha na hindi ko pa nakikilalat nai-interview pero, inilagay ko ang news tungkol sa kanya dahil maganda ang isinasaad tungkol sa isang Pinay na gumagawa ng pangalan sa isang banyagang bansa.
Tinawagan ko si kapatid na Jobert Sucaldito dahil email add niya ang ginamit at pinasinungalingan niya na may alam siya tungkol dito. Sinabi lamang niya na may gumagamit ng email add niya at nagbigay siya ng pangalan ng tatlong tao na pwedeng gumawa nito.
Sumasakit ang tiyan ng lahat nang nakakapanood dito lalo na bilang Tom Yam sa awiting "Hindi Ako Bakla" , "Wag Na Wag" bilang si Kitchie Na Day, "Mamaw." spoof ng "Narda" ng Kamikazee, at marami pang iba. Special guests sa video ang mga kasamahan niya sa Bubble Gang.
Nabigyan na ang album ng National Breakout Award mula sa Paragon Music Corp. at Special Sales Award dahil bumenta ito ng 15,000 units sa loob lamang ng 2 linggo.
Inilabas na ito ng GMA Records sa DVD format at may kasama pang bonus na CD.
Maganda sanang makapanood ng kahit isa pero, ang problema, alin kaya sa mga naka-sked na concerts ang lalabas na pinakamaganda at worth ng ibabayad ang mga manonood? Mabuti na lamang at karamihan sa mga concerts ay pawang tinatampukan ng local artists. Dati kasi foreign acts dominated the scene na nakaapekto ng malaki sa mga local artists.
Buti naman at mga local artists ang maglalaban-laban ngayong Valentine. At least Pinoy ang makikinabang.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended