SOP, may aalisin, may idaragdag!

May kissing scene sina Vina Morales at Albert Martinez sa Maria Flordeluna at bago kunan ni director Jerry Sineneng ang eksena, humingi agad ng dispensa ang actor. First time yatang ginawa sa actress na ang kahalikan niya’y nag-apologize, kaya natuwa ito.

Tinanong namin si Albert kung bakit siya humingi ng dispensa kay Vina at nalaman naming ginagawa niya ito sa lahat ng leading ladies niya. Bukod sa respeto, gusto niyang maging comfortable ang ka-kissing scene at ‘di isipin na baka mag-take advantage siya. Nakakasira raw sa concentration kung may ibang iniisip ang kasama sa mga ganung maselang eksena.

Tama ang ginawa ni Albert dahil komportable nga si Vina working with him at naging close sila na umabot sa pagbibigay ni Albert ng face cream sa kanya. Tinuruan pa ng actor ang actress ng mga dapat gawin at kainin para ‘di agad tumanda.

Mag-asawa ang role ng dalawa sa Maria Flordeluna, sila sina Col. Leo Alicante at Elvira Alicante, ang real parents nina Flordeluna at Rene Boy. Special participation lang si Vina rito, pero tinanggap pa rin niya dahil maganda ang role at nami-miss na niya ang soap opera. Wish lang nito na pagbalik niya after her US trip, bigyan uli siya ng ABS-CBN ng soap at mas mahabang role. Aalis si Vina after the February 24 repeat ng Showgirl sa Araneta Coliseum at March 3 sa Waterfront, Cebu at dadalhin ang concert sa Amerika.

Kung third week ng February ang airing ng Maria Flordeluna, sa 19 na ang premiere nito at sa Feb. 12, na date na sinabi sa amin. Si Jerry Sineneng ang director nito na sabi nina Albert at Vina ay magaling.
* * *
May mga nag-react sa nasulat naming tanggalan ng hosts/performers sa SOP. Wala raw maaalis, pero ‘di maipaliwanag ng kausap namin kung bakit wala sa show for two weeks na ang mga natsitsismis na matsutsugi.

Si Gabby Eigenmann daw ay ‘di totally maaalis dahil semi-regular ito ganundin ang isang female TV host na noon pa gustong maalis ng viewers. In fact, bibigyan ito ng sariling segment na ang dating sa amin, male-lessen na ang labas niya sa show.

May naka-schedule na presscon ang SOP at doon masasagot ang tanong ng press at kung totoong may aalisin o hindi. Sabay dito, ipapakilala ang mga bagong dagdag sa show na in fairness, nagbigay ng interes sa viewers.

Ipapa-interview si Gian Magdangal, ang Sugarpops at Take 5. Ang una’y galing sa Phil. Idol, ang pangalawa’y grupo ng winner at runner-ups ng Popstar Kids ng QTV 11 at rekomendado ni Danny Tan. Wala kaming alam sa huli, kaya wala kaming maisulat. Ha-ha-ha!
* * *
Dapat pala kasama sa cast ng Asian Treasures si Richard Gomez, pero hindi nito tinanggap ang offer at ‘di sinabi ang dahilan. Nang mag-guest si Robin Padilla sa S-Files last Sunday at nang mapanood ang trailer ng adventure-love story, nanghinayang ang una na ‘di siya kasama sa show. Nagbiro itong kung puwede pa siyang mag-join sa cast na inoohan ni Robin.

Lalo pang manghihinayang si Richard na ‘di niya tinanggap ang show dahil sa mataas na rating ng pilot episode nito. Nakakuha ito ng 41.83 percent na tiyak na ikinatuwa ng lahat na involved sa show. Hindi nasayang ang pagpapagod ni direk Eric Quizon, Angel Locsin, Robin at ‘di rin magsisisi ang GMA-7 sa malaking budget nila para rito.

Kuwela ang labas nina Cesar Montano at Sunshine Cruz na may special participation at hinihintay na ng viewers ang mga susunod na big stars na maggi-guest dito. Ipinapatanong din ang pangalan ng bata na gumaganap na sidekick ni Robin. Kuwela ang bagets ha! — Nitz Miralles

Show comments